Paolo Ballesteros sinalo ang ex BF ng reporter!
Wondering ang fans kung totoo na may namumuo na relasyon sa pagitan ni Paolo Ballesteros at ng gay actor/model na si Sebastian Castro na ex-dyowa ng former ABS-CBN news reporter na si Ryan Chua.
May mga sighting na magkasama sina Paolo at Seb kaya nag-one plus one ang mga intrigera. Ang feeling nila, may katotohanan ang tsismis dahil parehong single ang dalawa.
May mga reporter na nagtanong kay Paolo pero wala silang nakuha na sagot na matino mula sa aktor at television host na na-master na ang pag-iwas sa mga intriguing question.
Hindi na dapat mag-effort ang mga reporter na malaman ang the truth and nothing but. Simple lang ‘yan, kapag hindi true ang tsismis, napakadali ang mag-deny pero dahil idinadaan ni Paolo sa pagbibiro ang mga sagot, I’m sure, may bahid ng katotohanan ang mga balita dahil walang-wala sa image niya ang nagsisinungaling.
Sa next Wednesday, May 9, ang showing sa cinemas nationwide ng My 2 Mommies ng Regal Entertainment Inc., ang pelikula nina Paolo at Solenn Heussaff.
Nakatulong ang isyu tungkol kina Paolo at Seb para lalong umingay ang My 2 Mommies dahil curious ang mga tao na malaman ang totoo.
Hindi humantong sa forever ang love affair nina Sebastian Castro at Ryan Chua dahil mahirap talaga ang long distance relationship.
Working sa China si Ryan at naririto sa Pilipinas si Sebastian.
Mula nang maghiwalay ang dalawa, wala na tayong nababalitaan tungkol kay Sebastian hanggang ma-link siya kay Paolo.
Matagal nang single si Paolo dahil hindi nagtagal ang relasyon nila ng dating inspiration niya. By now, dapat ma-realize ni Paolo na mas nagtatagal ang mga relasyon na tahimik kesa mga love affair na lantad sa publiko.
Jiggy may show pa rin kahit nag-resign na
Nag-resign na si Jiggy Manicad bilang news anchor ng 24 Oras Weekend at QRT ng GMA News TV pero mapapanood pa rin siya sa isang programa ng Kapuso Network, ang The Working Class.
Si Jiggy ang nagbalita na mapapanood siya sa darating na Sabado sa The Working Class, pagkatapos ng I-Witness.
Napapabalita na kakandidato na senador sa ilalim ng PDP-Laban party sa eleksyon sa 2019.
Aktor na walang datung, affected pa rin pag nababanggit ang ex
Apektadong-apektado pala ang isang aktor kapag tinatanong siya tungkol sa ex-girlfriend niya.
Hindi marunong magtago ng emosyon ang aktor na talagang umiirap kapag napag-uusapan ang aktres na nakipaghiwalay sa kanya.
Masyadong transparent ang ugali ng aktor na hirap na hirap maka-move on sa break up nila ng girlfriend na nagising sa katotohanan na wala siyang bright future sa piling ng mhin.
Hindi natin masisisi ang aktres sa desisyon nito na iwanan ang aktor dahil hindi siya makapag-ipon ng datung. Ang aktres ang madalas na gumagastos sa tuwing magkasama sila ng boyfriend na bihirang-bihira na magkaroon ng mga pelikula at television guesting.
- Latest