^

Pang Movies

Kris nagtitipid na, tinigilan ang pangongolekta ng mamahaling bag at sapatos!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kris nagtitipid na, tinigilan ang pangongolekta ng mamahaling bag at sapatos!
Kris Bernal

Nakita ko kahapon sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City si Kris Bernal.

Wala pa raw siyang bagong show sa GMA 7, pero aalis siya papunta sa Amerika para sa isang event ng Kapuso network.

Kinumusta ko ‘yung Korean restaurant na balak niyang itayo, pero wala pa raw.

Though ngayong May naman, may isa siyang food business na bubuksan sa bandang Banawe, QC.

Sabay na nga pala kaming kumain ni Kris dahil kilala rin naman niya ang kasama namin sa restaurant na ‘yon at mapili pala siya sa mga kinakain.

‘Yung rellenong bangus, bago niya in-order ay tanong siya nang tanong sa waiter kung may pork daw ba sa filling?

Natawa nga ako nang sabihin ng kasama ko na ang payat ni Kris ngayon at sinagot niya ng, “Mataba nga ako.”

My gosh, kung mataba si Kris, ano kaya ang labas ko, balyena? Hahaha!

Bags and watches nga pala ang naging topic ni Kris at ng kasama ko and in fairness, sabi ng aktres, hindi na raw siya masyadong bumibili ngayon ng expensive bags (pati shoes) dahil nagtitipid daw siya.

Puwede rin daw siyang bumili ng watches, pero for investment.

Naikuwento nga pala ni Kris noong magbakasyon siya sa Iceland, hindi rin sila nag-stay sa mamahaling hotel. “Nag-Airbnb lang ako para tipid,” sabi ni Kris.

Paul nasermonan sa paninita sa social media

May intriga na naman sa young actor na si Paul Salas at dawit ang girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Sa presscon daw kasi ng Araw Gabi ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie ay may nagtanong sa dalaga ng something like hindi boto ang parents ni Paul sa dalaga.

Nag-react naman si Paul at nag-tweet pa ng, “Sinong reporter nagtatanong kay Barbie ng ganito? Sa totoo lang kung sino ka man panira ka. Okay na okay ang parents ko kay barbie so kung sino man mga nag tatanong ng mga questions na ganyan please shut the f__k up good night.”

Sari-sari naman ang naging reaction sa tweet na ‘yon ng young actor. May mga na-off sa tweet ng boyfriend ni Paul.

Kahapon, tinanong ko ang tatay ni Paul, ang dating member ng Universal Motion Dancers na si Jim Salas.

Sabi ni Jim, pinagsabihan na niya si Paul tungkol sa twineet nito at binura na nga raw ‘yon ng kanyang anak.

“Sabi ko, huwag basta-basta magre-react, na magtu-tweet lalo na at emotional pa. Dapat palipasin muna ‘yung emotion na ganoon, kasi siyempre, siya rin naman ‘yung magmumukhang masama.

“Pero, wala na. Alam ko, dinelete na niya (nang i-check ko ‘yon kahapon, deleted na nga sa Twitter account na @PaulAndreSalas),” pahayag pa ni Jim.

Klinaro naman ng tatay ni Paul na hindi nila inaayawan si Barbie.

Wala raw ganoong kuwento dahil malapit sa kanila ang girlfriend ng kanyang anak.

Naku, tigilan na ang ganyang issue dahil mas napag-uusapan pa ‘yan kesa sa team-up nina Barbie at JM sa Araw Gabi. Ayaw ng Kapamilya network ng ganyan, huh!

Saka si Paul din naman, hindi ba mas magandang mapag-usapan ang tungkol sa pagiging contract star na niya sa GMA 7 kesa sa mga ganyang bagay?

KRIS BERNAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with