Vitto gustong kumawala sa pagiging anak nina Joey at Alma

Vitto

Nagulat ako nang malaman ko na 22-years old na pala si Vitto Marquez, ang youngest son nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Parang bata pa rin ang tingin ko kay Vitto dahil natatandaan ko na karay-karay siya ni Douglas Quijano kapag pumupunta ito sa studio ng GMA 7. Kasama ni Douglas si WinWyn, ang ate ni Vitto na bagets pa rin noon at hindi mo iisipin na magiging international beauty queen balang-araw.

Sinundan din nina Vitto at WinWyn ang yapak sa showbiz ng kanilang mga magulang. Kung nabubuhay pa si Douglas, sure ako na siya ang manager nina Vitto at WinWyn na tunay na mga anak ang trato niya.

Introducing si Vitto sa #Squad Goals, ang youth oriented movie ng Viva Films.

Grateful at thankful si Vitto dahil sa mga project na ibinibigay sa kanya ng Viva Artists Agency. Hashtags member si Vitto pero ang talent management agency ng Viva ang namamahala sa showbiz career niya, hindi ang Star Magic.

Masipag na bata si Vitto dahil kahit may shooting ito para sa #Squad Goals, araw-araw siya na umaapir sa It’s Showtime. Inaayos na mabuti ang  schedule niya dahil ayaw na ayaw niya na mag-absent sa noontime show ng ABS-CBN.

Naging member si Vitto ng Hashtags dahil nag-join siya sa ipinatawag na audition. Hindi sinabi ni Vitto na mga magulang niya sina Alma at Joey pero nakapasa siya sa audition with flying colors. Gusto kasi ng bagets na gumawa ng sari­ling pangalan sa showbiz kaya inilihim niya na mga sikat na artista ang kanyang mga magulang.

AiAi biglang naging in demand na talent manager!

Rejoicing si AiAi delas Alas at ang mga miyembro ng Ex Battalion dahil sobrang taas ng rating ng Saturday episode ng Magpakailanman.

Ang life story ng Ex Battalion members ang napanood sa show ni Mel Tiangco noong Sabado at sila mismo ang gumanap sa sarili nila.

Napatunayan ng Ex Battalion na sikat sila at malakas ang hatak nila sa publiko dahil tinalo diumano ng Magpakailanman ang katapat na programa.

Ipinakita rin ng Ex Battalion na bukod sa magagaling na musicians, may acting talent din sila.

Tuwang-tuwa si AiAi dahil sa mainit na pagtanggap at pagsuporta ng publiko sa isinalin sa telebisyon na kuwento ng buhay ng Ex Battalion. Lalong ginanahan si AiAi na ihanap ng projects ang kanyang mga in demand na alaga.

Actually, hindi na kailangan ni AiAi na maghanap ng raket dahil marami ang tumatawag sa kanya na mga show producer na gustong ipag-produce ng concert ang Ex Battalion.

Take note, may mga artista na type na rin na ipa-manage kay AiAi ang career nila kaya naloloka ang Comedy Queen na hindi makapaniwala na talent manager na rin siya.

Serye nina Megan at Katrina hindi pa matsutsugi!

Happy si Glydel Mercado dahil extended din ang The Stepdaughters, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Megan Young at Katrina Halili.

Siyempre, ang mataas na rating ng The Stepdaughters ang dahilan kaya nabigyan ito ng extension ng Kapuso Network management.

Komportableng-komportable si Glydel sa set ng The Stepdaughters dahil mababait ang mga co-star niya. Nababaitan siya kay Megan na walang kayabang-yabang sa katawan kahit former Miss World winner.

Dati nang nakatrabaho ni Glydel si Katrina kaya gamay na rin nila ang ugali ng isa’t-isa.

Show comments