MANILA, Philippines — Masasaya ang mga dating bold stars at ang kanilang mga tagahanga nang ipatawag sila sa FPJ’s Ang Probinsyano, paano muling binuhay ni Coco Martin ang kanilang dating natutulog na career. Ipinatawag ng aktor sina Katya Santos, Maui Taylor, Gwen Garci, JC Parker, Mc Muah at Zarah Lopez para bigyan ng role sa nasabing palabas.
Akala nga nila noong una, basta madaanan lang ng kamera ay okey na, para lang masabing nabigyang grasya sa top rated sitcom.
Marunong tumanaw ng utang na loob si Coco kaya binigyan nya ng magandang exposure ang mga dating goddess of beauty sa showbiz.
Namayani rin sila at nailaglag ang mga seryosong stars, hindi nga ba naririyan si Rosanna Roces, Amanda Amores, Barbara Milano, Lampel Cojuangco, Aya Medel (rich na ngayon at may restaurant sa Bicol), Via Veloso, Vida Verde at iba pang sexy stars.
Marami sa kanila ang yumaman at sumikat pero hindi lang minahal ang kanilang career, and besides si Coco ay dating Prince of indie films kaya hindi kailanman ito makakalimutan, sabi nga pana-panahon lang yan.
Audition ng Star Hunt dinagsa
Libu-libo pala ang nag-apply sa pa-audition ng Kapamilya’s Star Hunt na ginanap sa Araneta Coliseum.
Kwento ng kababayan naming nagdala ng anak niyang sumali roon, napakarami raw pala nang nakapila kahit madaling araw pa lang. Yung iba, halos himatayin na sa paghihintay dahil hindi nagdala ng pagkaing mababaon nila.
Sabi raw ng guardiya, bawal daw magdala dahil kailangan doon bumili sa loob ng makakain.
Sana naman, ang mapili eh yung mga karapat-dapat at talagang may karapatan at huwag ‘yung mga kamag-anak ng may patimpalak o kaya naman mga kapa-kapatid din ng mga artista or pinsan ng Kapamilya group, maraming nangangarap sumikat pagbigyan naman po ninyo ang iba at huwag gamitin ang lakas or power sa may patimpalak, masama po ‘yun, may karma.
Ilang fans, wala nang pake sa mga artistang kakandidato
Hindi pala excited ‘yung ibang mga tagahanga sa mga artistang kakandito sa 2019 elections. Dati daw, hangang-hanga sila pero sa imahe ngayon ng pulitika, makakahanga ka pa ba.