^

Pang Movies

Jennylyn nawala na ang takot sa putok at pasabog!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennylyn nawala na ang takot sa putok at pasabog!
Jennylyn

Mas lalo pang pumayat at parang Barbie Doll na ang waistline ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Maraming taga-media ang nagsabi na parang Pinay version ni Lara Croft ng Tomb Raider movie si Jennylyn.

Sadya nga raw ni Jen na magpapayat dahil hindi raw biro ang mga eksena nila ni Tom Rodriguez sa primetime teleserye na The Cure.

Marami raw silang takbuhan, talunan at fight scenes kaya hinanda ni Jen ang katawan niya para rito.

“Bumalik na po ako sa jiu-jitsu ulit. Tapos ‘yung reaction training ko ‘yung Balintawak, tuloy-tuloy lang siya.

“Nagamit ko po sa mga big scenes namin. Noon naman kasi ginagawa ko na siya. Seven, eight years na akong nag jiu-jitsu, binalik ko lang siya ngayon,” diin ni Jen.

Never pa raw gumawa ng mga action scenes si Jen sa isang teleserye, kaya bago raw sa kanya ang lahat ng ito.

“Ito kasi ‘yung first project ko na may action tapos thriller na walang masyadong drama.”

Inamin ni Jen na matatakutin siya pagdating sa mga malalakas na putukan. Bata pa lang daw siya, takot na siya kapag nakakarinig siya ng malakas na putok.

Kaya raw tuwing New Year ay parating nagtse-check in sa hotel si Jen para safe ang pakiramdam niya mula sa mga putukan ng Bagong Taon.

“Totoo, takot ako sa mga malalakas na putok. Feeling ko, may nagbabarilan.

“Kaya dito sa The Cure, kabadung-kadabo ako talaga kasi may mga blastings, may barilan, may sumasabog. Kahit na alam kong maayos naman nilang sine-set up iyon, still, may takot pa rin ako.

“Pero tiis-tiis lang. Dinadaan ko na lang sa pagbuhos ng emotions sa mga eksena namin para mawala ang takot ko.

“Si Tom kasi, very energetic siya, Nahawa na ako sa pagiging maliksi niya parati. Kaya nabawasan ang takot ko kasi nakikita ko si Tom na parang bale-wala sa kanya ‘yung mga pasabog sa set,” pagtapos ni Jennylyn Mercado.

British singer na si Boy George, yoga ang naging panlaban sa panic attack

Inamin ng ‘80s British singer na si Boy George na nakaka-experience siya ng panic attacks na minsan ay pakiramdam niya ay mamamatay siya.

Sa isang interview sa 56-year old singer sa U.K. chat show na Loose Women, kinuwento ni George na madalas ang pagpapaospital niya sa Royal Free Hospital noong ‘90s dahil hindi niya ma-overcome ang kanyang mga panic attacks.

“I had a period in the ‘90s, had these really bad panic attacks, I used to go to the Royal Free Hospital and freak out. There was nothing wrong with me. I thought, ‘I’m dying!’

“Eventually somebody just said to me, ‘You need to learn how to breathe, change your diet, maybe try yoga...’ just calming down.”

Kadalasan daw na nangyayari sa isang tao na may panick attack ay sudden and unprovoked overwhelming surge of anxiety and fear and signs can include shortness of breath, nausea, dizziness, chest pain, and a racing heart.

Ayon pa kay George, wala raw siyang minsan na symptoms at basta na lang nararamdam niya.

“It’s not logical. Sometimes there’s no symptoms, you’re just like, ‘What’s wrong with me?’ You just lose it. It can be food, it can be too much coffee, it can be stress.”

Kasalukuyang judge si Boy George sa The Voice Australia at hinahanda ng Culture Club ang kanilang U.K. tour in November 2018.

JENNYLYN MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with