Julio, Grace, Kris, at Cole, natabunan ang kasalang Billy at Coleen

Billy at Coleen

Israeli designer pala ang tumahi ng wedding gown ni Coleen Garcia sa kasal nila ni Billy Crawford na ginanap sa Balesin Island kahapon. Simple lang at hindi lumabas ang sobrang kaseksihan ng ngayon ay si Mrs. Crawford.

Kasama naman sa mga naging part ng kasalan sina Vicki BeloSharon Cuneta, Regine Velasquez, Derek Ramsay, Amy Perez, Vice Ganda, Gary Valenciano, Vhong Navarro at marami pang ibang kaibigan ng bagong mag-asawa.

Pero hindi nag-trending ang nasabing kasalan dahil mas pinag-usapan kahapon ang pagkakahuli kay Julio Diaz sa isang buy bust operation, ang top 12 sa senatorial survey na pinangunahan ni Sec. Grace Poe, ang muling pag-apak ni Kris Aquino sa ABS-CBN para sa movie contract sa Star Cinema at ang meet and greet ng sikat na bida sa Riverdale na si Cole M. Sprouse na endorser ng isang malaking clothing line.

Show comments