Balik sa social media si Sharon Cuneta. Almost a week ago nang magpaalam siyang bukod sa pamamahinga sa social media, off daw muna ang phone niya para makapahinga.
Pero kahapon ay balik na uli siya. Nagpo-promote siya ng isang friend niya, si Joey G. ng Side A na may concert.
Hindi kaya siya nakatiis o naiinip na sa pamamahinga?
Maraming issues na kinasasangkutan ng Megastar kahit na nga wala pa siyang pelikulang sinisimulan.
Dawit si Gabby Concepcion na umano’y tini-text niya at nagpapatulong kung paano maayos ang problema nila ni Sen. Kiko Pangilinan.
‘Yun kaya ang rason kaya tumigil siya for a while sa paggamit ng cellphone? Nagpipigil kay Gabby?
James & Bimby
James Yap everyday daw naiisip si Bimby
Binati ni James Yap sa kanyang birthday ang anak kay Kris Aquino na si Bimby. Yesterday ang birthday ng bagets. Common knowledge na matagal nang hindi nagkikita ang mag-ama dahil sa ‘kaguluhan’ nina James and Kris. “Happy birthday Bimb! I miss you and think about you everyday. Alam ko na ang tagal na natin di nakapagspend ng time together, at di nagkikita, but i want you to know that I’m always here for you. I will always be your papa. I hope you enjoy your birthday!,” greetings ng basketbolista na magkakaroon na ng second baby sa kanyang partner na si Michela.