Sobra, obviously ang kasiyahang nadarama ng mga malalapit na kaibigan ng Koreanong si Ryan Bang, dahil lead actor na siya sa wakas, yes, dahil sa DOTGA (Da One That Ghost Away) na palabas na in theaters nationwide. Well, halos lahat sila ay magpupunta doon sa premiere showing ng movie, Tuesday, at the SM Megamall. Ang aga-agang dumating, tulad na lang ni Vice Ganda kahit pa common knowledge na under medical treatment siya due to his ailment, na may kinalaman sa kanyang kidney stone.
Namataan din namin si Bela Padilla na madalas makitang kasama nina Ryan at Vice Ganda, bilang host ng It’s Showtime.
Ganundin si Empoy Marquez, si Angelica Panganiban at ang bagong panganak na si Pokwang, kasama ang ama ng kanyang bagong baby na si Baby Malia, American actor, Lee O’brien.
Kasama ni Pokwang ang panganay nito na si Ria Mae, 18, na magtatapos na raw ng Culinary Arts ngayong taon sa isang school sa Bonifacio Global City (BGC).
Isang Japanese ang dad ni Ria Mae.
Of Ria Mae, naalala namin a few years back, sinabi ni Ryan Bang kay Pokwang ang kagustuhang manligaw sa kanyang anak.
Ang naging reaction ni Pokwang: “Huwag, pasaway si Ryan.”
Well ngayong nasa edad na si Ria Mae, may balak pa kayang ligawang siya ni Ryan Bang?
Marissa Delgado gustong tularan ng apo
Obvious na kahit papaano, feeling disappointed si Ryan Bang, since he was expecting na darating ang ina from Korea to attend DOTGA’s premiere showing.
Pero hindi ito sumipot.
Isa sa mga veteran stars na present ang maagang dumating sa event ay si Marissa Delgado. Isa si Marissa sa pinaka-sexy noong araw sa mga kasabayan niya.
Dalawa pala ang kanyang naging anak sa kanyang naging non-showbiz husband, na parehong lalaki.
Siyam na ang apo nito sa kanyang mga anak, at ang pinaka-youngest ay babae, nine years old at pangarap din daw maging artista tulad niya. Pawang sa isang exclusive subdivision sila naninirahang mag-iina. May kanya-kanya silang bahay.
Marissa told us na meron siyang recruitment agency. She makes sure daw that all those na ipinadadala niyang magtrabaho sa abroad are well trained sa work na kanilang papasukan.
Affiliated daw ang kanyang training center sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ariel ayaw nang maging singer?!
Katuparan pala nang matagal na pangarap na makaganap sa isang kontrabida role ang karakter na ginagampanan ng singer-actor na si Ariel Rivera sa malapit nang magtapos na serye, Hanggang Saan. To the max ang kanyang kasamaan in his role as Jacob, dahil hindi naging hadlang kung nasa loob man siya ng bilangguan ang pagsasakatuparan niyang makapaghiganti. Kasama niya rito sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Sue Ramirez, at Teresa Loyzaga.
Sabi nga raw ng kanyang ina, na avidly ay sinusubaybayan ang serye, sana raw ay bumait naman siya. In the case daw of his wife, fellow actress, Gellie de Belen, well kahit papaano, binabati daw siya nito for a job well done.
Binatilyo na ang anak nila na dalawang lalaki at parehong nag-aaral sa Canada.
One of the most-admired singers in the country si Ariel, dahil sa kakaiba niyang pag-atake sa bawat awiting kanyang inaawit, marami ang nanghihinayang na ‘di na siya aktibo sa genre na ito.
Mas maganda siguro kung siya ang umawit ng theme song ng Hanggang Saan. At hindi si Jessa Zaragosa, na, kung sabagay, is equally good din naman.
Hanggang Saan is set to end in two weeks.