Kahapon ay humarap sa entertainment press si Dina Bonnevie at isa sa mga napag-usapan ay ang success ng early primetime series nila na Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.
Naikuwento ni Dina na malapit siya kay Erich at nakakasama pa niya itong magsimba at kumain sa labas.
Nakilala na rin ni Dina ang non-showbiz boyfriend ni Erich, pero hindi siya naging madaldal tungkol doon.
Happy nga pala si Dina sa magandang feedback sa role niya sa Blood Sisters.
Medyo puyat nga lang daw siya dahil sa Bulacan at Pampanga pa sila nagte-taping ng nasabing series.
May cut-off si Dina na 2:00 AM, pero hindi naman nakakaalis kaagad ng set at mga 4:00AM na nakakauwi at kapag may maagang lakad the next day ay kulang siya sa tulog.
Naaliw nga pala kami dahil habang nagkukuwento si Dina sa entertainment press, lahat ay nakikinig sa kanya. Walang nagdadaldalan at nagse-cell phone na kadalasang eksena sa mga presscon.
Tinanong nga namin si Dina kung hindi ba niya nami-miss ang mag-host ng talk show dahil kapag siya na ang nagsasalita, lahat ay nakikinig.
“Actually, nanaginip nga ako na naghu-host ako ng talk show. Kaming dalawa raw ni Kris Aquino. ‘Tapos, nag-uusap daw kami ni Kris at sabi ko, kawawa naman ang mga guest namin dahil paano pa sila makakapagsalita sa daldal naming dalawa?!”
Ikinuwento rin ni Dina na ‘yung isang staff ng kanyang show noon sa GMA 7 ay kinausap na rin siya tungkol sa online talk show at okey na raw sana, pero that time, mag-e-election daw at busy na siya sa campaign ng mister niyang si Representative DV Savellano, kaya hindi natuloy ‘yon, pero puwede raw niyang pag-isipan at puwedeng silang dalawa ng anak niya na si Danica Sotto-Pingris ang mag-host nun.
Napagtsikahan din sa interview ni Dina ang tungkol sa isyung binabalak ni Direk Joel Lamangan na pagsamahin uli sila nina Maricel Soriano at Snooky Serna sa isang pelikula na siyang magiging reunion movie nila at ang title ay Overage.
Natawa si Dina sa title na sinabi namin, pero parang maganda naman daw ‘yon, kaya welcome siya sa idea na mag-reunion movie nga sila ng mga dating ka-Underage stars niya.
Sa kuwentuhan pa rin na ‘yon, marami ang natuwa dahil nakakapagsalita na ng Ilokano si Dina.
Madalas kasi siyang makipag-usap sa mga constituent ng kanyang mister, kaya natuto na raw siya.
GMA hindi binonggahan ang pag-welcome kay Jasmine
Nasa GMA 7 na nga si Jasmine Curtis Smith.
Pumirma na siya ng contract para sa Kapuso network noong Tuesday.
Actually, bago pa man siya pumirma ng contract sa nasabing TV network, kumalat na magiging Kapuso na siya, pero sa interview ng ate niyang si Anne Curtis, ayaw nitong kumpirmahin ang tungkol doon.
Feeling namin, ayaw lang pangunahan ni Anne that time ang pagpirma ni Jasmine sa Siyete.
Anyway, parang hindi naman ginawang mala-king event ng Kapuso network ang paglipat sa kanila ni Jasmine mula sa TV5 (actually, matagal-tagal na rin naman na nagtapos ang contract niya sa Kapatid network).
Ni hindi na rin ginawang big deal ng iba na mas pinili ni Jasmine ang GMA 7 compared to ABS-CBN na siyang unang napabalita na lilipatan niya pagkatapos ng contract niya sa TV5 dahil madalas nga siyang mag-guest doon para sa promotions ng kanyang past movies.
Well, sana bogga ang maging first series ni Jasmine sa Kapuso network para magkaroon naman ng ingay ang pagpasok niya sa bago niyang mother network, huh!