MANILA, Philippines — Where the grass is greener, doon talaga ang tinatarget ng mga artista, isa na rito marahil si Ryza Cenon na pinasikat ng Kapuso sa seryeng Ika-6 Na Utos.
Lumipat naman ngayon sa Kapamilya ang dalaga, dapat daw marahil palakpakan kung sinuman yung nag-utos sa kanya na lumipat dahil sobrang effective and convincing ang power nito para mautusan siya. May ibang katwiran namang kumakalat na kaya lumipat si Ryza ay dahil may magagandang proyektong gagawin ito sa Dos, isa na rito yung isasama siya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano starring Coco Martin, ibig pang humabol ni Ryza sa tagumpay ng nasabing teleserye, makakasama rin siya sa The General’s Daughter. Well nice move for Ryza, tuluy-tuloy ang suwerte niya sa showbiz.
Viva star si Ryza at malimit kasamang gumagawa ng movie ng Star Cinema at ABS-CBN. Nagpaalam naman ng mahusay si Ryza sa GMA and besides kasama siyang nagpatunog ng seryeng Ika-6 Na Utos kaya hindi siya puwedeng sumbatang walang utang na loob.
Maui, Katya, Gwen, JC at Sarah, itinapon sa dagat ng mga kanong adik
Hindi akalain ng mga bold stars na sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, JC Parker at Zarah Lopez ay mabibigat pala ang role sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Bukod sa magpapaseksi ay ihuhulog pala sila sa dagat ng mga Amerikanong adik, kung hindi napigilan ni Coco Martin. Maging ang mama san na si Minnie Aguilar ay hindi inirespeto ng mga kanong adik. Kinaladkad siya sa hagdanan kesehodang ang ganda ng outfit niya, super hirap daw ng inabot nila sa pagtatanggol sa sarili laban sa mga adik pero at least nakabahagi sila ng suwerte sa Ang Probinsyano. Hindi kasi lahat ng bold star ay nakakalusot sa panlasa ng mga nagdidirek ng naturang serye.
Ian sinuswerte
Masuwerte si Ian Veneracion na magkakaroon siya ng concert sa Cebu,Waterfront kasama si LA Santos, anak ng co producer ni Ian na si Ms. Flor Santos.
Si Ian ay na-discover noon ng GP Films producer na si George Pascual at itinampok sa pelikulang Anak Ni Mang Kepweng starring Chiquito at Liza Lorena, magbuhat noon nagsunud-sunod na ang movie ng aktor.
Painting ang hilig ni Ian at namana niya ito sa kanyang ama.
Gaganapin ang concert sa ika-21 ng April sa Waterfront, Cebu
Sofia, ayaw matawag na ‘star’
Masaya ang mayora ng Tacloban City na Ms. Cristina Gonzales-Romualdez, paano matutupad ang dream ng kanyang anak na si Sofia na magkaroon ng concert. Napaka humble ng anak ni Kring Kring dahil ayaw niyang matawag na star kundi isang singer tulad ng nanay niyang mayora.
Si Sofia pala ay survivor noong nagkabagyong Yolanda sa Tacloban, inabutan daw kasi ang dalagita sa bahay noong kabagyuhan at kung hindi kumapit sa poste ng bahay ay baka nalunod siya, kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat nila kay Lord.
Personal…
Happy Birthday sa April born celebrants na sina Mayor Lani Mercado, Senator Juan Miguel Zubiri, Mother Ricky Reyes, Juancho Trivino, Martin Del Rosario Felix, Dominique Rocco at Natalie Hart.