Still ay grateful si Piolo Pascual na sa rami ng mga bagong artista ngayon ay nandito pa rin siya.
“The mere fact that I’m still in the business after 20 years, you know I’m just really grateful for the chance that’s given me and that alone makes me humble na because of this, parang any moment, one day, I’ll just wake up, wala na lahat ‘yan, so I’m just really taking advantage of this time and the kind of opportunity that the Lord is giving me,” saad ni Papa P.
Ayaw naman din daw niya siyempreng makipag-compete sa iba.
“Ang mantra ko sa buhay kasi eversince, you don’t compete with anyone, you don’t compare yourself to another person para hindi ka masaktan.
“Pero umabot na ako sa puntong you know, you actually don’t compete or race against yourself, but you race against time. So, time is all I have right now. So, I’ll make sure na gagamitin ko nang maayos ‘yung time na ibinigay sa akin,” sey pa ng aktor.
For 20 years, nakakatuwa nga namang na-maintain ni Piolo ang kanyang kasikatan. He’s still being considered as one of our top leading men sa kabila ng napakarami na ring mga sikat na batang artista ngayon.
Tulad nga ngayon, sa panahong ang usung-uso ay mga teleserye ng mga magkaka-loveteam, still he’s still being given his own drama series, ito ngang Since I Found You na magsisimula na sa Monday sa primetime slot ng ABS-CBN.
May sitcom pa siyang Home Sweetie Home at ASAP every Sunday.
Kaya nga aminado ang aktor na talagang ang dami niyang dapat ipagpasalamat dahil sa mga walang tigil na blessings na ibinibigay sa kanya.
Sofia, musika ang naging sagot sa naranasang trahedya
Former Tacloban Mayor Alfredo Romualdez and his current Mayor-wife, Cristina Gonzalez couldn’t be more proud para sa kanilang anak na si Sofia Romualdez ngayong natupad na ang pangarap nito na maging singer at magkaroon ng sariling single.
Sofia launched her second single, Thinkin’ Of You under Viva Records held last Thursday at the Manila Polo Club at siyempre, naroroon ang kanyang proud parents at all-out ang support sa kanya.
Sa speech ni Mayor Alfred, sinabi niya na ang musika ang naging sagot sa Yolanda tragedy na naranasan nila some years ago.
“In fact, it was right after Yolanda when Sofia started to sing more in the open together with othe musicians. So, it was really a great support to us and to the people of our city. Kaya lalong napamahal sa amin itong music at talagang magandang theraphy ito kapag may trahedya,” pahayag ni Mayor Alfred.
May pinagmanahan naman si Sofia dahil dati ring singer ang mom niya pati na ang kanyang lolong si Jose Marie Gonzales na tatay ni Cristina.
Two years ago nang ikontrata siya ng Viva Records at binigyan ng debut single na Pikit Mata which was included in the movie, FanGirl FanBoy nina Ella Cruz at Julian Trono.
This time, she has a new song, ang Thinkin’ of You at siya mismo ang nagsulat. Yes, she can also write songs kaya no wonder, proud na proud talaga sa kanya ang parents niya.
May sariling distinct voice si Sofia na ikinaiba niya sa mga female singers natin. Wala siyang kaparehong tunog which is really a plus factor para sa isang baguhang singer.