Pagkatapos mag-attend ni Alden Richards sa 2018 New York International Television & Film Awards para tanggapin ang Silver medal at trophy na napanalunan ng Alaala: A Martial Law Special ang docudrama na produced ng GMA Network, Inc., mag-isa na lamang siyang naiwanan doon, kasama ang handler niyang si Leysam Sanciangco.
Bumalik siya sa New York para i-meet muli si renowned acting coach Anthony Bova para sa isang one-on-one workshop, kasama ang facilitator, ang actress-opera singer na si Ana Feleo. Nagkita sila sa New York on April 12, New York time, sa atin April 13.
Nag-post si Alden sa kanyang Twitter ng: “To be one of your students is a great privilege. Thank you so much for your time, Mr. Anthony Bova.”
Nakatakdang bumalik sa bansa si Alden bukas, April 15, at tiyak, kasunod na nito ang pagharap niya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7 na bago pala siya umalis for abroad ay nag-first taping day na siya, under Dominic Zapata.
Gina kinamumuhian na
Galit na galit na kay Ms. Gina Alajar ang mga netizens na sumusubaybay sa advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka (HKKIK) sa grabeng pang-aapi niya sa bidang si Yasmien Kurdi, si Thea, ang manugang niyang may HIV. Kaya natawa si Gina nang makausap siya sa set na mas marami pa raw magagalit sa kanya sa mga susunod niyang gagawin kay Thea. Pero balitang binawasan na ang ilang eksena ni Gina sa HKKIK dahil nagsimula na rin siyang mag-taping ng bago niyang idinidirek na primetime series, ang Extraordinary Love na tampok si Superstar Nora Aunor, Cherie Gil, Gardo Versoza at mga young stars na sina Mikee Quintos at Kaye Valdez. Pero nilinaw ni Direk Gina na hindi totoong special guest lamang si Ate Guy sa serye dahil lamang sa maagang cut-off time nito.