Tonight, all roads lead to Smart Araneta Coliseum dahil mamaya na nga ang This 15 Me 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo.
Certified sold-out ang concert ni Sarah at kahit marami siyang mga guest, obvious na siya naman ang main reason kung bakit nabenta kaagad ang tickets sa kanyang anniversary concert, huh!
Siyempre, dahil maituturing na isang milestone ang This 15 Me mamaya sa Smart Araneta Coliseum, hindi na naman dapat pang itanong kung darating ba roon ang boyfriend ni Sarah, si Matteo Guidicelli, ‘noh?!
Kahit madalas na maintriga na hindi malapit si Matteo sa parents ni Sarah, kina Mommy Divine at Daddy Delfin, sigurado naman na hindi siya magpapapigil sa pagpunta sa concert ng girlfriend para suportahan ito!
Sa Thursday (April 19) na nga pala ang alis ni Sarah para naman sa start ng kanyang This 15 Me US concert tour (sa Los Angeles, California on April 21 ang kick-off concert) na produced ng ICM (International Concert Management) nina Rochele Nubla at Lynn Bautista.
Ang tanong ngayon – susundan kaya ni Matteo sa US ang girlfriend?
Eh, magtatagal sa US si Sarah dahil after ng L.A. show on April 21 ay may lima pa siyang shows, sa Pala Casino Spa Resort Event Center on April 22; Pittsburg California Theater, April 28; Cannery Casino The Club, Las Vegas, Nevada, April 29; Copernicus Center, Chicago, Illinois, May 4; and Colden Auditorium, New York, May 6, so sa May na ang balik ni Sarah ng bansa, kayanin kaya ni Matteo na hindi sundan si Sarah?
Ang problema nga lang ay may regular primetime series sa ABS-CBN si Matteo, ang Bagani, kaya parang malabo naman siyang makaalis.
Tommy, may offer na sa showbiz kahit ‘di nanalo
Hindi man pinalad si Tommy (Tobias) Tiangco sa katatapos lang na Century Tuna Superbods Ageless 2018 ay tumatak naman siya sa contest na ‘yon.
Sa pinost ng tatay ni Tommy na si Representative Toby Tiangco kahapon sa Instagram account niya (@toby.tiangco), marami ang naaliw at the same time ay na-touch.
Naaliw dahil nagpakita ng abs si Rep. Toby sa picture na ‘yon, huh!
Na-touch naman dahil sa caption niya, “Tommy @tobiastiangco_fit before he left for Cove yesterday morning. You made me really proud of you last night. I am so lucky that God blessed me as being your father.
“I have seen your journey from a fat 180 lbs, 12 year old boy with a 36 inch waste line, who finished one family size pizza in 1 sitting, to being thin with alopecia because of the crash diet you went thru, which is the the reason why I got @coachboyet for you to teach you the right perspective regarding fitness. and now you are much more fit than both of us. you showed me that with determination everything is possible. you have balanced your hectic responsibilities as a graduating student while joining 2 competitions. you showed me courage. Which is why I have the courage to post this now. hehehe.
“I Love You son, at sa lahat po nang sumuporta kay Tommy. maraming maraming salamat po. your show of support means so much to me and words are not enough to express my heartfelt thanks.”
Actually, binibiro na stage dad si Rep. Toby dahil sa suporta sa anak at sinasakyan naman niya ‘yon.
Anyway, may nabalitaan kami na may nag-o-offer daw kay Tommy na pasukin na rin ang showbiz. Hindi kaya magpatuloy sa pagpapaka-stage dad si Rep. Toby?
Hehehe
Paulo sasabak agad kay Angel
May tsikang tatapusin na ang afternoon series ni Julia Montes sa ABS-CBN.
Parang type naming maniwala sa tsikang ‘yon dahil ang male lead ng afternoon series na si Paulo Avelino ay balitang magsisimula na ng taping ng The General’s Daughter na pagbibidahan nina Maricel Soriano, Janice de Belen, Eula Valdez, Angel Locsin and Ryza Cenon.
Isa raw si Paulo sa dalawang leading men ni Angel sa primetime series na ‘yon ng Kapamilya network.
Ibig lang sabihin na hindi nun madu-duplicate ang success ng dating afternoon series ng sinasabing girlfriend ni Coco Martin, ang Doble Kara, na nagtagal sa ere, huh!