Magandang panoorin ang mga light moments nina Megan Young at Mikael Daez sa afternoon prime drama series nilang The Stepdaughters. Mas open na kasi sila at wala nang inhibition, lalo na kay Megan, sa mga eksena simula nang umamin na sila sa tunay nilang relasyon. Kaya ang malaking tanong sa kanilang dalawa ngayon, or particularly kay Megan, kailan naman kaya sila magpapakasal or ano ang secret nila na nanatiling strong ang kanilang relasyon of seven years na?
Open communications ang sagot ni Megan, ibinigay niyang example yung kung may ginawa silang hindi nila gusto, hindi sila nahihiyang sabihan ang isa’t isa. Isa pa, magkatulong daw silang naggi-grow, ang dedication nila sa trabaho, naging inspirasyon ng isa’t isa.
Paano kung may kissing scenes sila sa kani-kanilang ka-partner, like sa soap nila na obsessed si Katrina Halili kay Mikael, hindi ba siya nagseselos?
“Hindi po ako selosa sa simula pa lamang ng relasyon namin ni Mikael, alam ko pong part iyon ng work namin, kahit noong sunud-sunod ang pagtatambal nila ni Andrea Torres. Kung on camera ay iba ang katambal namin, off-camera naman kami ang magkasama. At wala pa rin po kaming balak magpakasal, kailangan pa po naming magtrabaho at mag-ipon para sa aming wedding day.” (Megan is 28, Mikael is 30)
Ang The Stepdaughters ay napapanood araw-araw after ng Contessa.
Sunshine at Bing, binalikan ang dating bahay!
Kung may umalis sa GMA, mayroon din naman bumabalik na mga dati nilang artista. Kahapon ay pumirma na si Ryza Cenon ng contract sa ABS-CBN pagkatapos ng kanilang pinag-usapang afternoon prime drama series sa GMA na Ika-6 Na Utos, kasama sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
Nakasabay naman nito ang story conference ng Karibal Ko Ang Aking Ina that will star ang mga nagbabalik Kapuso na sina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga. Makakasama nila sa cast sina Bea Binene, Benjamin Alves, Zoren Legaspi at David Licauco.
Huling napanood si Sunshine sa GMA Telesine in 2006, bago siya lumipat sa Kapamilya network na huli niyang ginawa ang Wildflower. Si Bing ay nine years ding nawala sa GMA na huli niyang ginawa ang Paano Ba Ang Mangarap.
Ang tanong, kung original concept daw ba ng GMA ang Karibal Ko Ang Aking Ina o remake ng dating movie in 1982 na tampok sina Gloria Diaz, Mark Gil at Luisa Munoz.