Piolo give up na sa lovelife
Dahil nga tumanggap ng bagong teleserye si Piolo Pascual sa ABS-CBN, ang Since I Found You, lalong nawalan na ng time ang Ultimate Heartthrob sa kanyang love life.
Bukod kasi sa SIFY ay may Home Sweetie Home pa siya na once a week at busy rin siya sa pagiging producer sa Spring Films.
So, saan pa nga ba sisingit ang love life?
“Saka na lang,” natatawa niyang sagot nang makatsikahan naming sa mediacon ng SIFY
“Hindi sa walang time, choice ko, pasensiya naman. Ayoko talaga. Dami ko kasing gustong gawin sa buhay eh. In all honesty, hindi ko siya hinahanap, ayoko siyang hanapin. Ayaw ko na lang muna para mas tutok ako sa… ang dami ko kasing ganap sa buhay, so feeling ko, kung isasama ko pa ‘yun, I don’t want it to be a task, I don’t want it to be a chore. Ide-devote ko muna ‘yung oras ko where I see it fit.
“So, for the next couple of years, ito na muna para mas tutok lang ako, so pasensiya na lang.”
Pero kung may dadating daw, aniya ay mas maganda.
Sa Since I Found You ay kasama niya si Arci Muñoz bilang leading lady, JC de Vera at ang Alempoy tandem na sina Alessandra de Rossi and Empoy Marquez.
First time niyang nakatrabaho sina Arci and JC kaya excited siya sa project kahit na nga ba sinabi na niya sa sarili niya na ayaw na muna niyang tumanggap ng teleserye dahil mas gusto na muna niyang mag-focus sa pelikula at sa pagiging producer.
Kumusta namang katrabaho si Arci?
“Si Mona (real name ni Arci), magaling siya. Napanood ko siya sa Magpahanggang Wakas, nakita ko siya, she’s very eager. Matagal na siya sa industriya at may ibinibigay talaga siya.
“Kapag magka-eksena na kami, hindi siya dumaan sa workshop, pero ang galing. Magaling siya, siya ‘yung panonoorin mo kasi hindi siya technical, hindi siya tamad, she studies her lines,” pahayag ni Piolo.
Mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone, malapit nang magsimula ang SIFY na papalit sa timeslot ng The Good Son.
Direk Tonette nakipag-ayos kay Direk Cathy!
Speaking of direk Tonette, sobrang happy niya sa success ng latest film niyang Never Not Love You na pinagbibidahan nina James Reid and Nadine Lustre.
“Sobrang happy, sobrang grateful. Nakakatuwa, nakakatuwang magbasa ng mga messages from friends, from strangers. Tapos, mahilig kasi ako manood sa sinehan kasabay ng mga tao, so, natutuwa ako, nakikita ko ‘yung reaction sa iba’t ibang theaters. Ayun, sobrang happy as a writer and director,” pahayag ni direk Tonette.
Pagkatapos ng lahat ng challenges and controversies na pinagdaanan ng movie, sobrang fulfilled naman daw siya sa outcome ng movie.
When asked kung okay na ba sila ng JaDine matapos ang controversy with direk Cathy Garcia-Molina, aniya ay sobrang okay dahil the moment daw na lumabas ‘yun ay tinawagan niya agad si Nadine para at least ay siya na ang unang magsabi ng issue. Baka raw mas magkaroon pa ng misunderstanding kung sa ibang tao pa nito unang mabalitaan.
Du’n pa lang daw ay naging okay na ang lahat at wala rin daw silang naging problema ni direk Cathy although aminado siyang nagulat siya sa pangyayari talaga.
“Oo, ‘yung social media talaga, nakakabaliw siya pag nakakaloka, ‘yung parang “My God!” she said.
Tinanggap ba nila ang sorry ni direk Cathy?
“Oo naman po. Hindi naman niya kailangan (na mag-sorry), actually. Wala namang masamang tinapay. We love direk Cathy,” sey niya.
Nagkausap na ba sila after na mangyari ang kontrobersiya?
“Through Dan (Villegas, her boyfriend-director), kasi mas close siya kay Dan, eh. Si direk Cathy, mentor siya ni Dan.”
Hindi naman din daw siya nagalit or na-off kay direk Cathy.
“Basta as long as personally, okay kayo, ‘yun ang mas importante,” sambit pa ni direk Tonette.
- Latest