Maganda ang nasabi ng TV host at bida ng teleseryeng Ang Forever Ko’y Ikaw na si Camille Prats tungkol kay Pambansang Bae Alden Richards sa isang ginawa nilang game sa programang MARS.
Si Alden ang unang naisip ni Camille sa kanilang Grab a Box game ni Suzie Entrata kunsaan ang question ay “Kung magagamit ko lang ang whistle na ito, I would call ______’s attention para sabihin sa kanya na siya ay...”
Ang pagiging mabait at accommodating ni Alden ang siyang hinangaan ni Camille. Na kahit alam niyang pagod na ito, hindi pa rin daw nawawala ang pagiging courteous nito sa kanyang mga fans.
Kaya ramdam ni Camille ang lumalabas na good vibes mula kay Alden.
“I will call Alden’s attention, para sabihin na siya ay napaka-accommodating.
“I remember when we guested him here on MARS, siguro nakamahigit isandaang video greetings siya for different people and he was always welcoming,” sey ni Camille.
At hindi lang daw basta greeting ang ginawa ni Alden kundi ginawang personal pa raw ng aktor ang bawat video greetings na ginawa niya.
“Sometimes siya pa ang mag-video sa sarili niya. Tapos ‘yung mga sinasabi niya, iba-iba hindi typical video greeting na take care, God bless.
“Sa kanya, may nakakatawa, may ano, kumbaga very unique, na alam mong especially made for that person na binabati niya.
“I admire that kasi hindi biro ‘yan. Nakakapagod siya,” pagtapos pa ni Camille Prats.
Baguhang aktor hindi nagpadaig sa dwarfism
Introducing sa Extraordinary Love si Jo Berry na siyang inspirasyon ng kuwento ng naturang teleserye.
Hindi nga naging hadlang ang metabolic at hormonal disorder na dwarfism para hindi maabot ni Jo ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Namana ni Jo ang dwarfism sa kanyang ama na si Perry, president ng Little People Association of the Philippines. Normal naman ang taas ng kanyang ina.
Nakapagtapos si Jo ng kursong Computer Science sa kolehiyo at naging consistent honor student ito. Matapos mag-aral, nagtrabaho si Jo sa isang BPO company.
Isa sa natutunan ni Jo ay huwag magpadala sa panlalait ng ibang tao sa kanya.
“Itinuro po ng papa ko na as long as hindi nila ko sinasaktan okay lang kasi you should be the bigger person,” ngiti pa ni Jo.
Sa Extraordinary Love, isang ina ang gagampanan ni Jo at makakasama niya sa mga eksena niya sina Gardo Verzosa at Superstar Nora Aunor.
Napahanga si Jo sa husay ni Ate Guy sa mga eksena nito.
“Ang galing niya talaga. Iba ‘yung ‘pag nanonood ka lang sa kaeksena mo na siya.
“Ang saya po, privileged talaga na makatrabaho siya,” pagtapos pa ni Jo Berry.
Jennifer Aniston may bagong ipasisikat na hairdo!
Simula noong mahiwalay ang Hollywood actress na si Jennifer Aniston sa kanyang mister na si Justin Theroux, madalang na itong makita sa publiko.
Pero kelan lang ay namataan ang aktres sa Balayage By Nancy Braun Salon in Beverly Hills, California at may bagong hairstyle na siya.
Nakilala si Jennifer dahil sa paiba-iba niyang hairstyles na nagiging trend sa maraming kababaihan. Tulad noong ‘90s, pinasikat niya ang hairstyle na “The Rachel” na hango sa character niya sa TV sitcom na Friends.
Casual lang ang suot ng 49-year old actress noong lumabas siya ng salon. Suot niya ay wire-rimmed glasses, suede ankle boots, army green cargo pants and a black leather jacket and matching T-shirt.
Madalas na kasama ngayon ni Jennifer at ang kanyang mga close friends tulad nila Courteney Cox, Lisa Kudrow, Reese Witherspoon at Sandra Bullock na mga nakaranas din ng divorce mula sa kanilang mga unang asawa.
Hinihintay na lang ang muling paglakad ni Jennifer sa red carpet para makita ang kanyang bagong hairdo.
Samantalang ang kanyang estranged husband na si Justin ay nagiging scarce din ang paglabas sa public since the separation. Nasa New York City ito kamakailan at um-attend ng after-party ng pelikulang A Quiet Place ng kanyang actor-friend na si John Krakinski.