^

Pang Movies

Action movie ni Anne hahataw sa Cannes

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Action movie ni Anne hahataw sa Cannes
Anne Curtis

Nakatakdang dumalo sa Cannes Film Festival si direk Erik Matti para sa international premiere ng ginawang movie na Buy Bust. Ni-request daw kasi ng Netflix na doon muna ipa­labas ang pelikulang bago ang local showing sa bansa.

Bida sa action movie si Anne Curtis na matagal din bago natapos. In all fairness naman, maganda ang feedback sa trailer nang ilabas ito sa social media.

Sa pag-alis ng director, may chance na matengga na naman ang shooting ng Darna ni Liza Soberano, huh! May kasalu­kuyang series din ang young actress kaya hirap ding kumuha ng schedules para sa shooting niya.

Magaling na aktor biglang nagbigay ng cut off

Umaayaw na ang isang magaling na aktor na magtrabaho hanggang pumuputok na ang araw. Nag-impose na siya ng cut off na hanggang mada­ling-araw lang.

Eh sa isang project na ginagawa, siya ang pina-kabida ng kuwento. So mas marami siyang eksena kesa sa co-stars niya.

Inirarason ng aktor ang kanyang on-going TV series pero hindi naman siya main lead sa programa. Kaya naman ‘yung production staff, nagtaka sa bagong kundisyon sa pagtatrabaho ng aktor na dati naman eh payag mag-shoot kahit mataas na ang sikat ng araw, huh!

Lea naka-face to face si Robert de Niro

Face to face ang encounter ni Lea Salonga sa Hollywood actor na si Robert de Niro. Ipinagmalaki ng Broadway superstar ang litrato nila ni de Niro sa kanyang Instagram.

Nagpasalamat si Lea sa Hollywood actor na nanood ng kanyang Broadway play na Once in this Island kasama ang kanyang pamilya.

Super-wow naman si Martin Nievera sa post ni Lea habang si Gary Valenciano ay napa-OMG naman.

Kung ang mga Pinoy ay nataranta sa pagkakaroon ng pic sa fo­reign concert artists na nag-concert sa bansa gaya ng nakaraang sina Katy Perry, trio na Lany at ang latest na si Ed Sheeran, chill lang ang gaya ni de Niro ng nagpapakuha ng pic kay Lea na sikat din sa international scene, huh!

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with