^

Pang Movies

Akting ni Eula pinagdidiskitahan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Akting ni Eula pinagdidiskitahan!
Eula

Comment ng mga (ilan lang naman) home­viewers sa TV series na The Good Son na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya (ABS-CBN) network, na hindi raw nagbabago ang acting ni Eula Valdez na nakakaantok pag nagsasalita.

Si Eula ang bida-kontrabida, kaya mataray magsalita pero maamo ang mukha at malamlam ang mata na parang lango at inaantok. Ibig ba ninyong sabihin sa tagal na pag-aartista ni Eula ay ngayon lang ninyo napansin ang acting niya na parang nakainom ng alak at namumungay ang mga mata na parang gustong matulog? Sapul nang magsimula si Eula sa larangan ng showbiz, bata pa siya noon, ganyan na ang mga mata niya mapungay. Pero dahil sa katangian niya at galing sa acting, nagustuhan siya ng mga direktor ng mga ginagawa niyang project, nagkaroon siya ng maraming trabaho sa pelikula at telebisyon.

Hinangaan, pinuri, at nagka-acting awards, hindi man naging superstar, nakilala at sumikat, kinilala bilang isang magaling na artista. Kaya walang dapat na baguhin sa akting niya, dahil sa tagal na niya sa showbiz, likas na siyang matatawag na magaling na artista.

Nota’ ni Mark nagpahamak

Uso talaga sa TV shows na ang tema ng istorya na ipinalalabas ang pag-aagawan ng nota tulad na lang ng Contessa dahil sa nota ni Mark Herras, maaga siyang natsugi. Yung si Daniela at pamilya nito ang dahilan ng pagkamatay ni Mark sa araw ng kasal nila ni Contessa na ginagampanan ni Glaiza de Castro. Maganda ‘yung girl na gumaganap na si Daniela, pero maiinis ka sa role niya bilang kontrabida ni Glaiza. I’m sure sisikat siya at magkakapangalan. ‘Yun na, mabili ang nota sa ilang TV-series.

Gina tinutukso sa bagong kulay ng buhok

Tawa nang tawa si Gina Alajar nang makita namin siya sa teyping ng seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa GMA studio.

Hindi niya raw inaasahan na magkakaroon siya ng isang napakagandang serye sa Kapuso network. Pati raw aura niya ay binago. Never daw siyang nag-dye ng buhok katulad ng buhok niya ngayon, nagda-dye daw siya pero slight lang. Pati raw mga anak niya ay tinutukso siya. Pero thankful siya sa Kapuso dahil totoong Kapuso ang trato sa kanya.

Personal…

Pasasalamat: Ok yung ginagawang Serbisyo Publiko ng Brgy Dila, Sta. Rosa, Laguna sa ilalim ng pamamahala ni Brgy. Captain Peping Cartanio at sa tanggapan ng punong bayan, Mayor Dan Fernandez na nag put-up ng tinatawag na Senior Citizens Association sa Brgy. Dila na sa ngayon ay may 1500 members na senior citizen. Sa pamumuno ni Soc Reyes na may malaking staff or tauhan na kumikilos at tumutulong sa mga kasapi. Ilan sa mga maaasahang naglilingkod ay sina Miss Melie, Danilo Posongco at iba pa.

Nagbibigay sila ng assistance na bigas at pamasahe every quarter, medical check up sa pangunguna ni Dr. Santos and her staff. May plano si Mr. Soc Reyes na makapagpondo sila para sa educational needs ng mga anak ng mahirap na members. Ang kanilang headquarters ay sa Southdrive Covered Court, Golden City, Brgy. Dila, Sta. Rosa Laguna.

EULA VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with