Luis ‘nagbanta’ sa nang-baboy sa kanyang endorsement!
Naimbyerna si Luis Manzano sa naglaro sa tarpaulin ng isang endorsement niya.
Minarkahan ng pentil pen ang kanyang noo at ngipin kaya nagmukhang katawa-tawa ang hitsura niya sa nasabing endorsement. “I don’t know who you are. I don’t know what you want. If you are looking for ransom, I can tell you I don’t have money. But what I do have are a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you correct that picture now, that’ll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will kill you,” banta ni Luis.
Pero kahit naman pinaglaruan ang nasabing tarp ng TV host/actor, keri lang. Cute pa rin siya at walang epekto ‘yung vandalism na ginawa sa photo sa naturang endorsement.
Lucy higit pa sa pangarap ang pa-birthday message kay Mayor Goma
The sweetest ang birthday message ni Rep. Lucy Torres kay Ormoc Mayor Richard Gomez kahapon. Maraming kinilig at nagpa-hashtag ng #relationshipgoals. “Happy birthday, my love @richardgomezinstagram.♥? Thank you for your quiet strength, your funny ways, how you always make a rough day feel better, a good one great. You are not just my dream come true, you are my rock and everyday hero — dependable, reliable, resilient, sweet in the most unexpected days, constant. Cheers to every blessing this day holds —- health, the gift of family and friends, and many many more happy birthdays to come! Know that I love you in every corner of my happy heart.♥,” ang napakatamis na message ni Rep. Lucy sa kanyang mister.
Speaking of Rep. Lucy, bakit kaya naiisyu siyang kakandidatong senador sa 2019?
Why not, kung true? Mga batang elected official ang kailangan. Tantanan na natin ang mga inugatan na sa kanilang mga hawak na posisyon hanggang ngayon.
- Latest