JM at Barbie masalimuot ang pinagdaanan!

Kuwento ng pag-asa, parehong tinahak nina JM de Guzman at Barbie Imperial bago finally natupad ang pangarap ng isa’t isa na mabigyan ng magandang buhay, ‘di lang ang kanilang mga sarili, kundi pati na ang kanya-kanyang pamilya.
Sabagay, ‘di naman mahirap ang pamilyang pinanggalingan ni JM, considering his dad had a good job, at sa totoo lang, napag-aral pa nga nito si JM sa magandang paaralan. Bata pa lang si JM, in demand na siya for commercials and child modeling dahil sa guwapo nga ito. Hanggang sa nagdesisyon siyang pasukin ang showbiz at nagtagumpay naman siya rito. Kumikita na siya ng malaking pera sa murang edad.
Dalawang beses kinailangan ni JM na pumasok sa rehab due to substance abuse. Masuwerte siya dahil andiyan ang pamilya niyang handang suportahan siya at career na willing pa rin siyang tanggapin.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang ‘di magagandang balita tungkol sa kanya, naipareha pa rin siya for the first time kay former Pinoy Big Brother (PBB) 737 housemate, Barbie Imperial, na katulad ni JM ay may interesting din ang buhay.
Bibida sila ngayon sa upcoming Precious Hearts Romance Presents: Araw Gabi, na dinirek ni Theodore Borobol.
Kahit na tunay na miyembro si Barbie ng mga kilalang Imperial ng Bicol dahil kinikilala naman siya ng kanyang ama, hindi naging magaan ang buhay na pinagdaanan niya.
Kasama ang kanyang ina at pamilya, lumaki si Barbie sa gilid ng riles ng tren sa Legaspi City.
Nagkaroon na siya ng pagkakataong gumawa ng projects for ABS-CBN matapos niyang lumabas sa bahay ni Kuya, doon na nagsimulang umalwan ang buhay nina Barbie at ng kanyang pamilya kahit na walang tulong galing sa kaniyang ama.
Bago ang Araw Gabi, napasabak si Barbie sa mga kontrabida roles, kabilang na ang kasalukuyang ipinalalabas pang episode ng Wansapanatym: Gelli In A Bottle, kung saan pinahihirapan niya ang bidang si Loisa Andalio na naging PBB housemate rin.
On the screen of ABS-CBN, the series looks promising. JM and Barbie look good together.
Ex Batallion ratsada
Did we hear it right, Salve A., na nagsisimula nang tuparin ni RS Francisco, actor and entrepreneur, ang pangako niya na gumawa ng at least 10 films bago matapos ang taon pagkatapos niyang manalo bilang best actor sa pelikulang Bhoy Intsik na dinirek ni Joel Lamangan.
Well, nang umattend kami ng presscon ni RS, in-announced niya na ang Frontrow (his company) ay nakuha na ang phenomenal rap group na Ex Batallion para maging latest endorser nito na siya namang mina-manage ni AiAi de las Alas na nasa presscon din kasama ang kanyang batang-batang asawa na si Gerald Sibayan. Ginanap ang nasabing event sa AiSarap Eatery na pagmamay-ari naman ng anak nito na si Sancho.
Ayon kay RS, pumayag naman daw si AiAi na magkaroon ang nasabing grupo ng music videos na maaaring gawin abroad, including Korea, Thailand, Australia and Canada.
Ang Ex Batallion ang nasa likod ng popular music video na Hayaan Mo Sila, which, so far, has 40 million hits.
Bagong kanta ni Gary V. matagal bago lumabas
Ayon kay Gary Valenciano, ang kanyang new single na Anong Nangyari Sa Ating Dalawa which he recorded fo FPJ’s: Ang Probinsyano, has finally been released.
Madalas mapanood si Gary sa Showtime’s Tawag Ng Tanghalan bilang Punong Hurado. Featured din siya every Sunday on ASAP.
Well, watch for Gary V. perform with teenage singer Darren Espano, at the latter’s concert at the Kia Theater on May 26.
- Latest