Diwa ng Semana Santa nakakalimutan na

MANILA, Philippines — Nawawala na talaga ang diwa ng Semana Santa lalo na ang mga kabataan natin ngayon. Imbes na alalahanin ang pasyon sa pagkamatay ni Kristo ay mas pinahalagahan ang mga outing at goodtime sa iba’t ibang lugar na beforehand ay plinano nila. Nakakalungkot at nawala na ang magandang tradisyon noong araw.

Maski mga artista natin ngayon ay gayundin. Lahat nag-eenjoy sa kanilang masasayang outing sa mga magagandang lugar dito at sa ibang bansa. ‘Yung iba naman hindi nalilimutang sumilip sa simbahan sa gitna ng kanilang mga pagbabakasyon. Sa bagay ‘yung iba lalo na ang mga artista ay sinasamantala nila ang mahabang break after the hard work na kanilang ginagawa.

Ngayon ay back to work ang lahat sa mainit na temperatura. Happy Easter everyone.

Marvin lumalabas ang pagigingkengkoy kahit kailangang magseryoso

Hindi talaga matatawaran ang husay ng buong cast ng Kambal, Karibal pagdating sa paghahatid ng matin­ding mga emosyon sa mga viewers. Mapa-iyakan, tawanan, kilig o galit man.

In fact, isa nga sa usap-usapan ngayon ang pagkokontrabidang ginagawa ni Marvin Agustin bilang si Raymond na siyang gumaganti sa pag-iwan sa kanya ng asawang si Geraldine (Carmina Villaroel). Bilib na bilib ang mga manonood sa kanya dahil kahit raw intense na ang mga eksena, lumalabas pa rin ang pagiging kwela nito habang umaarte.

Show comments