Wholesome image eklay lang? Liza bihasa sa pagmumura ng P.I.!

Liza

Viral ngayon ang video ni Liza Soberano kung saan ay makikitang nagmura siya ng napakalutong na PI na ikina-shock talaga ng maraming netizens.

Sa video ay makikitang may binabating fan si Liza pero hindi pa man niya natatapos ang birthday greeting ay tila may bumiro sa kanya o umistorbo na hindi na nakita sa video kaya napamura ang young actress and said, “t…na mo!” at natapos na ang short vid.

Ang daming nagulat at hindi akalaing nagmumura pala ang napaka-sweet, soft-spoken, iniidolo ng mga kabataan, role model, crush ng bayan, at may wholesome image na si Liza.

May mga nagkomento na na-turn off sila sa young actress at kesyo lumabas na raw ang tunay na kulay nito.

May nagsabi pang hindi raw dapat na ipinapakita ni Liza ang ganitong side niya sa public lalo’t role model siya ng kabataan at napakarami niyang batang fans.

Nakakaaliw nga magbasa ng komento lalo na ang pagsasagutan ng bashers at mga tagapagtanggol ni Liza.

Siyempre, ipinagtatanggol ang young actress ng kanyang fans at anila, tao lang naman si Liza at normal naman daw sa tao ang magmura.

May nagkometo pang fan daw siya ni Liza at siya man ay nagmumura rin kaya pareho lang sila ng kanilang idolo.

Kaaliw din ‘yung comments na they still find Liza cute kahit nagmumura na.

Ang iba naman ay ayaw maniwala na si Liza talaga ang nagmura at hinihinalang edited daw ang video at inilagay lang ang mura dahil hindi raw synchronized sa lips ng young actress.

Samantala, pampa-good vibes naman ang post ni Liza sa kanyang IG last Good Friday sa kanyang sweet birthday greetings for Enrique Gil.

“Happy Birthday to my monkey I thank God everyday that our paths met. I wish you remain God fearing, family oriented, and that your smile never fades no matter what obstacles may come up against you. Know that you are loved by your fans, your friends, your family and me! Teehee,” ang birthday message ni Liza sa boyfriend at ka-loveteam.

Aiza at Liza parang nasa second honeymoon sa sobrang sweet

Parang nasa second honeymoon ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño nitong Holy Week as they spent time together in a private resort in Laguna.

Ang sweet-sweet ng mag-asawa sa mga larawan na ipinost ni Liza at para talaga silang bagong kasal pati sa captions niya.

“You’re my stress-buster, my stress-reliever, my energy booster, my morning after. Good morning my love!” ang caption ni Liza sa larawan nila ni Aiza na tila naghaharutan sa may bridge.

Isa pa niyang caption sa larawan nila sa sweet photo nila in bed, “To wake up each morning with you , say ‘good morning’ and ‘I love you’, is all I wanna do.”

Nag-post naman si Ice ng photo ni Liza na naka-two-piece bikini at nilagyan niya ng caption na “Haaaaaaay.”

Isa pang cheezy caption naman ni Liza sa larawan nila ni Ice na naghaharutan pa rin, “Nakakatawa ka, panay ang pa-cute mo. Nag-cap ka pa porke’t alam mong pumupogi ka. Buti na lang... kahit anong gawin mo, patay na patay pa rin ako sayo.”

Kitang-kita rin sa pictures and vids nila na super-happy ng mag-asawa na magkasama at enjoy na enjoy sa kanilang bakasyon.

Show comments