^

Pang Movies

Buhay ng mga Santo at senakulo halos hindi na napapanood!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Buhay ng mga Santo at senakulo halos hindi na napapanood!

Mat

Alam ba ninyong base sa mga record, maliban sa Italya, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may nagawang pinakamaraming religious films. Ngayon nga ay hindi na masyado dahil dumami na ang iba’t ibang sekta na iba-iba rin naman ang paniniwala. Pero may panahong lahat yata pagdating ng panahon ng Mahal na Araw, may ipinalalabas silang buhay ng mga santo, kung hindi man isang variation ng Senakulo maging sa pelikula man o sa telebisyon.

Sa telebisyon noon, halos maaari mo nang maasahang mapapanood mo ang klasikong Ten Commandments na ginawa ng director na si Cecille B. De Mille. Halos sigurado ring mapapanood iyong Ben Hur. Pero hindi lamang ang mga pelikulang Ingles. Marami ring pelikulang Pilipino na paulit-ulit na inilalabas sa mga sinehan at telebisyon kung panahon ng Mahal na Araw.

In fact, lahat halos ng mga sikat nating artista ay gumawa ng isang religious movie.

Alam ba ninyong ang naging movie queen na si Amalia Fuentes ang siyang bida sa local film version noong buhay ni Sta. Teresa de Avila? Naging isang malaking hit iyon at pinilahan sa mga sinehan noong araw. Hindi man tungkol sa buhay ng isang santo, si Nora Aunor ay gumawa rin ng Himala.

Noong child star pa lamang si Congresswoman Vilma Santos ay nakasama na siya sa pelikulang Birhen ng Peñafrancia. At hindi lang si Ate Vi, pati ang papa niya ay nagkaroon ng cameo role sa pelikulang iyon.

Ang batikang aktres at nakilalang film producer at talent manager na si Mina Aragon ay nagsimula ng kanyang acting career sa isang religious film, iyong I Believe. Si Rosemarie Gil na ngayon ay nalilinya kontrabida roles ay nagsimula sa isang religious film bilang si Sta. Rita de Cascia.

Ang movie queen ding si Gloria Romero ay ilang ulit nang gumanap sa role ng Mahal na Birhen.

Maging si Donita Rose, na sa totoo lang ay hindi naman Katoliko ay gumawa ng isang pelikulang relihiyoso, iyong Divine Mercy at ginampanan ang papel ni Santa Faustina Kowalska.

Siguro nga masasabing notable ay si Mat Ranillo III na ilang ulit na gumanap na Kristo, sa pelikula man o sa entablado. Lumabas siyang Kristo sa isang pagtatanghal sa Cultural Center noong araw, sa Araneta Coliseum at maging sa pelikula. Si Mat din ang lumabas na Lorenzo Ruiz sa isang pelikula.

Si Romnick Sarmenta noong bata pa siya ay gumanap sa papel ng isang batang nakasaksi ng milagro sa Tagalog version ng Marcelino Pan Y Vino, na ginawa para sa telebisyon noon ng RPN 9. 

Pero may mga notable na kontrabida rin sa mga ganyang palabas. Noong araw, ang laging kinukuhang Maria Magdalena ay ang mahusay na aktres na si Rita Gomez. Laging iyon ang kanyang role, at minsan siya pa ang nag-produce mismo ng isang senakulo na bahagi ng fund raising para sa isang Cursillo House. At makakalimutan ba ninyo ang komedyanteng si Ben David, na kung panahon ng mahal na araw ay siyang laging nakukuhang Hudas. Kaya nga siya sumikat sa kanyang expression na “o hindi”.

Si Tirso Cruz III, nagsimula ng kanyang career bilang bagong silang na Kristo doon sa pelikulang Pagsilang ng Mesiyas.

Marami pa tayong hindi nabanggit, pero ang Film Academy of the Philippines, may listahan ng mga iyan na napakarami talaga, simula pa noong bago ang World War 2. Marami rin doon mga artistang hindi na namin kilala dahil hindi na namin inabot.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with