Sarah tatlong taon tinapos ang bagong album
Marami nang excited sa pagdating ng April 14, 2018, ang This 15 Me concert ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum. Bakit hindi, for the first time, Sarah will be performing with the country’s leading heartthrobs na sina Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla and James Reid. Na-miss na rin ng fans si Sarah dahil three years ago pa ang huling concert niya, this time she will celebrate her 15 years in showbusiness. To be directed by Paul Basinillo, with Teacher Georcelle bilang kanyang dance director with Louie Ocampo as her musical director.
Produced by Viva Live, the show will showcase the talents, isa na rito ang naging accomplishments niya as a singer, actress at ang pagiging number one lagi ng songs niya for the last 15 years, since 2003 after manalo siya sa Star for A Night singing contest.
Sa kabila ng pagiging busy ni Sarah preparing for her coming concert, nagsu-shooting din siya ng bago niyang movie na follow-up pa ng I Finally Found Someone niya last year, ang Miss Granny under the direction of Joyce Bernal na katambal sina James Reid at Xian Lim. Tinatapos na rin ni Sarah ang bago niyang album, after three years na lumabas ang kanyang Great Unknown. Out na ngayon ang kanyang latest single na Sandata, available on-line.
Sa mga gustong bumili ng tickets, go to Ticketnet online or call 911-5555 or Viva Live 687-7236.
Maine aminadong kulang sa inspirasyon
Muling aarte si phenomenal star Maine Mendoza sa taunang Lenten Special ng Eat Bulaga na Taray ni Tatay today, Holy Wednesday. Makakasama niya sina Vic Sotto, Allan K, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Ms. Rita Avila at may special participation si Kendoll (Tenten Mendoza, na personal assistant ni Alden Richards).
Ang episode ay kuwento ng isang single father (Vic) at ang mga lihim na itinago niya sa kanyang unica hija, si Maine. Kung may tawanan, makikiiyak din ang televiewers kay Maine na parang hindi matanggap kung sino talaga ang kanyang ama. Inamin ni Maine na nahirapan siya sa muli niyang pagbabalik-acting. Umarte lamang siya noon sa first movie nila ni Alden, ang Imagine You & Me, at sa special Valentine presentation ng EB na Love Is...
“Hindi po madali ang pagbabalik ko sa acting,” sabi ni Maine. “Nahirapan po ako sa pag-arte. Salamat po kay Bossing Vic sa pagtulong at paggabay niya sa akin sa mga eksena. Na-frustrate po ako ng ilang gabi na nang binasa ko ang script ay hindi ko magawa ang mga eksena on my own, kahit ipinu-focus ko ang sarili ko, parang kulang ako sa motivation. Salamat po sa help ng acting coach ko at ni Bossing, natulungan nila akong mai-deliver at lagyan ng background ang character ko.”
Ang Taray ni Tatay ay idinirek ni Adolf Alix, Jr. para sa huling episode ng EB Lenten Special.
- Latest