^

Pang Movies

Mother Lily namahagi ng lenten message

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mother Lily namahagi ng lenten message

Mother Lily Monteverde

Many thanks to Mother Lily Monteverde na nag-sponsor ng Holy Week Recollection, in cooperation with the Oasis of Love Catholic Renewal Community, sa 38 Valencia Events Place last Saturday afternoon, March 24. Isang meaningful Lenten message ang ibinigay niya sa may 54 participants from the movie industry and entertainment press.  

“Again it is that time of the year when we have to sit back and remain quiet. For most of the time we are swallowed by our work, our responsibilities, our obligations. This is the season of contemplation. This is the season when we look back at ourselves.  It is the time when we think of something much more than the work we do or the aspirations we want to fulfil.  Let us think about who we are, what we have become and what is the meaning of all this over and above our ambitions....”

After her message pumayag si Mother Lily na tumugtog ng piano and she played the novena song Sacred Heart of Jesus. Sinundan na ito ng talks nina Bro. Michael Angelo Lobrin, Bro. Christopher de Leon, Tirso Cruz III na nagtapos sa isang Anticipated Palm Sunday Holy Mass ni Fr. Larry Faraon, spiritual director ng Oasis of Love, and he blessed the palms na naghuhudyat na ng simula ng celebration ng Holy Week.

Tirso todo puri sa ugali ni Alden

Nakausap namin si Tirso Cruz III na ngayong Monday, ay guest sa isang episode ng three-day Lenten special ng long-running noontime show na Eat Bulaga. Guest siya sa second episode today na Haligi ng Pangarap na first time niyang nakatrabaho si Alden Richards.

“Mahusay iyong bata, mabait at magalang, siya ang gumaganap na anak ko sa story,” kuwento ni Pip. 

“Isa akong OFW na iniwanan ko sa mga kamag-anak ko ang pag-aalaga sa kanya. Ipakikita namin dito kung paano nagsakri­pisyo ang isang ama para sa kanyang anak, pero paano kung dumating ang oras na talagang kailangan na siya ng anak at wala siya. Kasama namin sina Sen. Tito Sotto, Joey de Leon, at Perla Bautista.

“Nakakuwentuhan ko si Alden during breaktime at nakasama na pala niya noon sa GMA ang mga anak kong sina Bodie at Djanin sa ilang shows nila at kahit sa gym ay nagkakasama sila dahil pareho kaming nasa South.”

Ang Haligi ng Pangarap ay idinirek ni Adolf Alix, Jr. at kasunod ng unang episode na My Carinderia Girl nina Ruby Rodriguez at Kenneth Medrano.

Sa ngayon, may gagawin siyang isang movie sa Star Cinema at guest din siya sa movie ni Jolo Revilla, ang #72, ng Imus Productions.

Sa Holy Week ay pahinga lamang silang mag-anak sa farm nila sa Lipa, Batangas. Sa birthday niya sa April 1, ay pupunta sila sa Japan ng family niya. Pagbalik ay papunta naman siya ng Dubai for a show. Wala pa ring kupas si Pip!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with