MANILA, Philippines — Magkakasunod ang blessings na dumadating kay Atom Araullo ngayon. Naipalabas na recently, at talaga namang pinag-usapan ang movie niyang Citizen Jake. May McDo endorsement pa sIya on top of his various TV projects. Patuloy ding inaabangan ang weekly episode ng online show niyang #AdultingWithAtom.
Good move talaga for him ang pagiging Kapuso. At next Sunday, April 1, start na nga ng bagong project ni Atom with GMA, ang The Atom Araullo Specials. Docu program ito na mapapanood monthly bukod pa sa kanyang I-Witness documentaries.
Kung ang peg nito ay ang unang docu special ni Atom na Philippine Seas, siguradong kaabang-abang ang mga ipalalabas dito.
Regine, Julie Anne, at Christian sa Dagupan naman bibirit
After the initial leg ng 3 Stars 1 Heart concert nila sa Cebu last January, sa Dagupan, Pangasinan naman susunod na bibirit ang Kapuso trio nina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Asia’s Balladeer Christian Bautista, at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose. Sa CSI Stadia sa Dagupan ito gaganapin on April 14.
Todong nag-enjoy ang mga nakapanood sa Cebu concert ng tatlo. Bigay-hilig daw kasing masasabi ang ginawa ng Kapuso singers dahil sa rami ng mga inihanda nilang kanta for their fans. At ganito rin ang ini-expect ng marami for the Dagupan-leg ng 3 Stars 1 Heart. Kaya maituturing na “must watch” ito para sa fans nina Regine, Christian, at Julie Anne.