Liza ipinaglalaban ang dugong Pinoy
Sa presscon for Bagani, ang pinakabagong fantaserye produced by Star Creatives for ABS-CBN, ‘di naiwasang matanong sa staff ng production, lalo na sa dalawang director na sina Richard Arellano at Lester Pimentel, kung sinadyang pawang magaganda at guwapo ang bumubuo ng cast nito.
Consider nga naman Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Enzo Pineda, Makisig Morales, at Enrique Gil, among others.
Susog pa sa tanong, `Eh, ‘di nga ba, tungkol ito sa ‘kahapon’ bagama’t ‘di tuwiran, ng ating bansa, at ng culture natin?`
Sagot nina direk Richard at Lester, “Well nagkataon lang na good-looking ang mga bumubuo ng cast. Ganunpaman, in the weeks that we’ve been airing, no one will disagree that they delivered.
“At iyan ang importante.”
Katuwiran naman ni Liza, “This doesn’t mean din either that because some of us in the cast are just half-Filipino, hindi na kami Pilipino.
“Sa puso at damdamin we are”.
Si Liza ay may American mom and a Filipino for a dad. Dito na siya halos sa Pilipinas lumaki, bagama’t sa Amerika siya ipinanganak.
In the nearly three weeks that Bagani has been airing, it has been a consistent top-rater bukod pa sa consistent trending topic din ito sa social media.
Bagani is aired not just on free TV, but via online iWant TV din, bukod sa napapanood pa rin ito sa The Filipino Channel (TFC) worldwide.
Pia nawalan ng oras sa NY Film Academy
Lalong hindi muna, Salve A., matutupad ang original na balak sana ni Pia Wurtzbach na anytime this year ay ite-take advantage ang scholarship sa New York Film Academy, isa sa maraming prizes na kanyang natanggap when she won Miss Universe three years ago.
Not at this point in time when her dream for 16 years na mabigyan ng pagkakataong maging bida sa movies. Well, natupad na, via the currently showing My Perfect You, co-starring her with Gerald Anderson and directed by Cathy Garcia-Molina.
My Perfect You, produced by Star Cinema, is a certified box-office hit. At ang maganda, lalo, favorable ang feedback tungkol sa movie.
This early, maraming offer for another movie na natatanggap si Pia. But she wants to take her time.
In doing daw My Perfect You, na realize niya how important na maganda ang rapport mo with both your leading man at director. Not to say, co-stars.
Not to say, of course, the story.
Sa ngayon hindi muna siya gagawa ng series. Bagama’t if it’s direk Cathy raw who will direct, baka magkaroon siya ng change of heart.
Matapos ‘malulong’, Diet nagbabalik-Kapamilya
Dalawa sa na-miss mapanood, well, for a time sa shows ng ABS-CBN, na ngayon ay nagbabalik-Kapamilya ay sina Ryan Eigenmann at Diether Ocampo.
Both are in the cast of Bagani and they both are playing good roles.
For a time pala, pumirma ng exclusive contract sa GMA 7 si Ryan, who in real life, is the eldest among three boys ngayon ng estranged couple nang sina Gina Alajar at Michael de Mesa. Lately lang nag-expire ang kanyang contract sa Kapuso.
Tatlo na ang anak ni Ryan sa kanyang better-half na ‘di taga-showbiz. In the case of Diether, “nalulong” yata siya sa kanyang negosyo. Na sari-sari, ha, as it include pa a fitness center.
Ask ko lang why his supposed turning a Kapuso didn’t push through. He appeared in a guest role in Magpakailanman, a long-time running series ng network.
Pilipinas halos 500 taon na nang madiskubre ni Magellan
Remember when, Yesterday, March 16, marked the day Ferdinand Magellan discovered the Philippines in 1521.
How long was that na ba, Salve A.?
- Latest