^

Pang Movies

Kaya matindi ang galit resbak ni Claudine, raymart itinatanggi ang gf sa mga anak!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kaya matindi ang galit resbak ni Claudine, raymart itinatanggi ang gf sa mga anak!

Claudine at Sabina

Mahaba ang pagtatanggol ni Claudine Barretto sa anak na si Sabina matapos itong ma-bash nang mag-post sa kanyang Instagram account ng pagkontra sa relasyon ng amang si Raymart Santiago at girlfriend nito sa kasalukuyan na si AC Legarda na pinsan ni Sen. Loren Legarda.

Pero in a nutshell, hindi umano kasi siya (Claudine) sinunod ni Raymart na iparamdam sa mga anak nila na sina Sabina at Santino ang pagmamahal kahit hiwalay na sila.

Raymart at AC

Masakit daw ang pinagdaraanan ng mga anak niya dahil simula sa simula ay itinatanggi ni Raymart na may girlfriend siya.

Nagmakaawa rin daw noon si Claudine sa ex-husband na mag-counseling silang mag-aama para iparamdam sa mga anak na gagawin nila ang kanilang tungkulin at ibibigay ang pagmamahal na hindi sila magkasama.

Maging ang pagdalaw at pag-attend sa school activities ng mga anak ay hindi umano nagawa ni Raymart.

Minsan nga raw mahigit dalawang buwan itong hindi dumadalaw sa mga bata.

Ang tungkol sa pagbabayad ng tuition fee ng dalawang bata ay naungkat din sa IG post ni Claudine kahapon. Tatlong taon daw silang naghahati ng tuition fee ng mga anak pero nitong huli ay hindi na.

Nabanggit din niya ang utang na P4 million para sa hospitalization at arrears sa hindi pagbabayad ng child support.

Ngayon ay ginagawa niya ang lahat para iparamdam sa mga anak ang pagmamahal niya dahil siya lang mag-isa ang nagpoprotekta sa mga bata ayon pa sa post ni Claudine.

Ayaw naman daw niyang ilagay sa bad light ang ex husband at wini-wish pa rin niya ito ng happiness pero bilang ina ay kailangan na niyang gawin ang pagpapaliwanag para maintindihan ang pinanggalingan ng galit ng anak nilang si Sabina kay Raymart at sa GF nito. “Your soul mate is not another person’s spouse. Sorry,” ang isa sa mga post ni Sabina.

“My dad broke my heart way before any boy had the chance to,” ang isa pa nitong post.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with