MANILA, Philippines — Magpapagalingan sa Matanglawin Challenge sina Enrique Gil, Liza Soberano, Makisig Morales, Sofia Andres, at Matteo Guidicelli, ng bagong tutukang fantaserye na Bagani ngayong Linggo sa ABS-CBN.
Abangan kung sino sa kanila ang magpapakita ng tapang at galing sa pagsagot sa mga trivia ni Kuya Kim Atienza tungkol sa iba’t ibang mito at alamat.
Samantala, mas tatamis pa ang umaga kasama ang It’s Showtime GirlTrend na si Chienna Filomeno sa pagbisita niya sa Dessert Museum ng Taguig City.
Magbabalik naman sa programa ang Matanglawin Playtime kasama sina Xia Vigor kaibigang si Sebrielle, at ang cute na bulinggit ng Little Big Shots na si Rodzen. Abangan ang lahat ng ito sa Matanglawin, ang itinanghal na Best Educational TV Program sa 4th Aral Parangal Awards, ngayong Linggo, 9:45 ng umaga sa sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.