^

Pang Movies

Jiro at Isabelle iniba ang Magnifico!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jiro at Isabelle iniba ang Magnifico!

Isabelle de Leon at Jiro Manio

Maraming netizens ang natuwa sa pag-recreate ng mga former child actors na sina Jiro Manio at Isabelle de Leon ng poster ng 2003 film na Magnifico na dinirek ng yumaong si Maryo J. delos Reyes.

Sa original poster, si Jiro ang pumapasan kay Isabelle na may pisikal na kapansanan.

Fifteen years later ay muling ginawa nila ang poster, pero si Isabelle na ang pumapasan sa kanyang Kuya Jiro. Pinost ito ni Isabelle sa kanyang Instagram account.

Muli kasing nagkita sina Jiro at Isabelle sa burol ni Direk Maryo.

Aktibo pa rin si Isabelle sa showbiz samantalang nagparamdam na si Jiro na wala siyang interes na balikan ang showbiz pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang mga personal na problema.

Pero marami pa rin ang umaasa na magbabago ang isipan ni Jiro at muling susubukan ang showbiz dahil sayang naman daw ang husay nito bilang aktor.

Rocco gusto namang mag-action

Pagkatapos ng teleseryeng Haplos, wish ni Rocco Nacino na gumawa ulit ng action na teleserye tulad ng Encantadia.

Nami-miss nga raw ng Kapuso actor ang ginagawa niyang preparations para isang action scene.

“I think I can really capitalize on an action-drama, at the same time, something different maybe.

“Puwede akong mag-romcom. Siguro i-try ko ‘yung skills ko when it comes to improve, hindi natin alam ‘eh. Something challenging na lang siguro,” diin pa ni Rocco.

Expert si Rocco sa maraming forms of martial arts tulad ng jiu-jitsu, boxing, muay thai at mixed martial arts.

Kaya gusto niyang ma-utilize ang lahat ng nalalaman niya sa martial arts sa mga future projects niya with GMA-7.

Paris Hilton babawasan na ang pagbiyahe pagkakasal

Naghahanda na ang heiress, socialite, DJ and businesswoman na si Paris Hilton para sa kanyang magiging wedding sa actor-fiance na si Chris Zylka.

Summer wedding ang gusto ni Paris at tinutulungan siya ng sister niyang si Nicky Hilton sa pagpili ng perfect wedding dress. Pati na ang pag-asikaso sa venue ay pinagkakaabalahan ni Paris.

Gusto ni Paris ng maraming anak at babawasan daw niya ang kanyang travel schedule para matupad ang kanyang dream family.

“I love being a woman entrepreneur and a businesswoman and running my empire, so I’m always going to be doing that, but I also want to start a family soon.

“I think it’s important to not travel as much, because when you’re traveling 250 days a year and you have a family, it’s too much.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with