^

Pang Movies

John Lloyd at Ellen sa April pa ang dream wedding

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Lloyd at Ellen sa April pa ang dream wedding
John Lloyd Cruz

Marami ang nagtatanong sa amin tungkol sa natsismis na kasal daw nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Diumano, nagpakasal sila sa isang simbahan sa Quezon City, at ang tinutukoy ay isang simbahang Katoliko. Ginawa raw ito dahil ang talagang plano nila ay isang Christian beach wedding sa Abril. Bakit nagpakasal pa sila sa simbahan kung ganoon?

Karaniwang ginagawa iyan ng mga gustong magpakasal sa mga tinatawag na “Christian rites” na kasapi sa isang “fellowship”. Dahil nga iyon ay isang “fellowship” lamang, wala silang mga ministro na pinahihintulutang magkasal nang legal. Kaya iyan ay isang seremonya lamang.

Isa pa, nakasaad sa batas na para maging valid ang kasal, kailangang isa man lamang sa kanila ay kasapi at binyagan sa iglesiang iyon. Kung hindi, balewala ang kanilang kasal. Kaya ang ginagawa, kung mga Katolikong binyagan, nagpapakasal muna sa isang pari, o kaya ay isang judge, o mayor para magkaroon ng isang legal na kasal. Iyong kasal nila sa born again ay isang “convalidation” na lamang.

Ang sumunod na tanong, mayroon ba talagang “secret marriage”. Ang sagot wala po.

Walang ikinakasal na walang saksi. Iyon ang role ng mga ninong at ninang. Iyon din ang role ng isang pari na tumatayo lamang saksi para sa simbahan. Sa katuruan kasi, ang nagsasagawa ang sakramento ay ang mga “nagkakasundo” ibig sabihin ang lalaki at babaeng ikinakasal. Hindi rin sila ikakasal nang wala silang valid marriage license.

Iyang marriage license ay maaaring kunin kahit na saang parte ng Pilipinas at may bisa sa loob ng anim na buwan lamang. Walang pari na magkakasal nang walang marriage license, maliban kung nagsasama na sila bilang mag-asawa nang hindi kukulangin sa limang taon, at mapapatunayang walang “impediment” o hadlang sa kanilang pagpapakasal. Kaya kailangan din diyan ang isang papeles na kung tawagin ay CENOMAR, o certificate of no marriage. Kung wala, iyon ay itunuturing na “putative” ibig sabihin walang kasiguruhan ang kasal.

Bago ka ikasal ng isang pari, magkakaroon muna ng wedding banns. Ibig sabihin, makikipag-alam ang paring magkakasal sa kura ng parokya ng babae, at kura ng parokya ng lalaki, at sasabing sila ay kanyang ikakasal. Obligado ang tatlong araw ng Linggo, na ang gaganaping kasalan ay i-announce sa misa sa kanilang parokya para malaman ng lahat at matiyak na sila nga ay walang pananagutan. Inilalagay din ang banns sa bulletin board ng parokya.

Kung hindi naisagawa ang lahat nang iyan, ang kasal ay walang bisa, kung ang pagbabatayan ay ang batas ng simbahan. Kung kasal naman sa judge, o juez, ang kasalan ay kailangang isagawa sa isang “open court”, ibig sabihin sa sala ng hukuman mismo. Kung mayor ang magkakasal, kailangang isagawa  sa tanggapan ng mayor. Hindi puwede iyong kagaya noong araw, na aywan kung paano nagsimula pero kung tawagin ay “kasalan sa Cainta”, na maski sa bahay ng juez, kahit na hatinggabi pa siya puwede.

Hindi na rin puwede iyong mga kasal na “hao xiao”, o iyong mga pekeng ministro na wala namang tunay na iglesia, kagaya noong naging kasal ng isang TV host, wala iyong bisa sa simula pa lamang.  Kagaya rin iyan ng mga nagpapanggap na pari o ministro na nagkakasal sa dalawang lalaki o dalawang babae dito sa Pilipinas. Hindi kinikilalang legal iyan. May mga ganyang “hao xiao” na nakaistambay sa mga city hall, at naghihintay ng mabibiktima, lalo na iyong mga gusto ng madaliang kasal sa mga foreigner. Wala pong bisa ang mga kasal na iyan.

Mayroon bang “secret marriage” kung ganoon? Wala po ang sagot. Mayroon “pekeng” marriage.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with