Karylle at Anne nag-uunahang mabuntis
Uso yata ngayon sa mga Kapamilya talent na mag-sosyo sa isang negosyo.
Sina Karylle at Anne Curtis ang may-ari ng bagong bukas na family KTV and resto bar na located sa SM Aura in BGC (Bonifacio Global Compound).
Nagkaroon sila ng soft opening noong December. And, so far, so good naman daw ang negosyo na Rockstar ang pangalan.
Both regular hosts ng It’s Showtime, kasal na sina Anne at Karylle. Si Anne sa restaurant owner at chef na si Erwan Heusaff, si Karylle naman ay sa kanyang fellow musician na si Yael Yuzon.
Three years na rin pala mula nang magpakasal sina Karylle at Yael. No wonder, naiinip na si Zsa Zsa Padilla, mother ni Karylle, na magkaapo sa kanya.
In the case of Anne, kakakasal lang nila noong nakaraang taon ni Erwan.
Wow, ‘di kaya, maunahan pa ni Anne si Karylle na mabuntis at magkaanak?
Nathalie ipa-partner kay Diether
Bagama’t bold to the max si Nathalie Hart sa halos lahat ng kanyang eksena sa showing na ngayon na Sin Island, kung saan co-stars niya sina Xian Lim at Coleen Garcia, hindi dahil daring siya sa movie kaya siya hahangaan, kung hindi dahil disente pa rin siyang tingnan, kahit sa mga eksenang wala niyang pakialam na idini-display niya ang kanyang nipples.
Almost a decade na rin pala si Nathalie sa showbiz. Una siyang nakilala bilang Princess Snell na kanyang real name. Dati siyang contract talent sa Kapuso.
First time niyang ginamit ang bago niyang screen name na Nathalie Hart sa sexy movie na Siphayo.
After Sin Island, susunod na mapapanood si Nathalie sa isang movie na ang kapareha naman ay si Diether Ocampo.
Diet naudlot uli sa GMA
Speaking of Diether, it’s good to know na mapapanood muli siya sa big screen, pagkatapos niyang maging inactive sa showbiz. Yes, mula nang mapabalitang nag-break sila at ng kanyang ultra-mayamang girlfriend.
For a while, akala ng marami ay Kapuso na siya nang gumawa siya ng isang episode sa Magpakailanman, a long-running drama series of the Network, hosted by Mel Tiangco.
Moira mabenta sa mga hugot na kanta
Do you know na tulad ni Kris Aquino, mismong Valentine’s day (February 14) din ang birthday ni John Prats.
While nag-turn 47 si Kris, si John naman ay exactly 33 years old na.
Happily for both, they are doing well in their respective careers. Kahit hindi busy si Kris sa kahit na anong TV show, kilala naman siya ngayon sa kanyang online platforms. Sayang at hindi siya dito nagpalipas ng kanyang kaarawan. Balitang nasa U.S. siya kasama sina Joshua at Bimby.
In the case of John, pinalipas niya ang kanyang kaarawan kapiling ang kanyang mag-ina, fellow actress Isabel Oli and their two year-old daughter, Feather.
Busy sa kasalukuyan si John sa paghahanda ng kanyang unang directional concert na topbilled ng isa sa mga nangungunang singer ngayon na si Moira dela Torre.
Titled Tagpuan na title rin ng isang kantang composition mismo ni Moira, two-night concert na ito gaganapin sa Kia Theater sa February 17 at 18.
As of this writing, balitang sold out na ang tickets for the two-night event.
By the way, guess who are the producers ng concert?
Well, walang iba kung hindi sina John, Sam Milby at Angelica Panganiban, na siyang mga taong behind the newly-organized event company, Bright Bulb Productions.
- Latest