^

Pang Movies

Yasmien gumagamit ng kung anu-anong apps para ‘di mabuntis!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Yasmien gumagamit ng kung anu-anong apps para âdi mabuntis!

Yasmien

Masama ang timpla ni Yasmien Kurdi sa presscon ng bago niyang GMA series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. “Advoca-serye” ang bansag sa afternoon drama dahil tatalakayin nito ang tungkol sa disease na HIV.

Agad niyang itinanggi na dahil sa role niyang maysakit kaya masama ang pakiramdam niya.

“Hindi ko alam na may asthma pala ako. So ngayon ko lang nalaman na may asthma ako. So hindi ko siya naku-control the whole time. So sabi sa akin, I have to control my asthma. Dapat pala may maintenance ako na kailangan. Hindi ako nakakahinga,” pahayag ni Yasmien after ng presscon ng bagong series.

Next week ay sasailalim siya sa tests para malaman kung saan siya allergic.

Payat-payatan ang katawan ni Yasmien ngayon. Papapayatin pa siya pagdating ng March para sa character. “Pero ayokong sabihin pag may HIV ka, papayat ka. That’s not true at all. Ang ibang HIV, matataba,” rason ng aktres.

So, kailan nila plano ng asawa na sundan ang panganay nila?

“After ng show na ito. Tatapusin ko muna ito and let’s see kung makakabuo kami ulit,” saad niya.

Wala raw silang sex ng asawa nga­yon dahil may show siya. “Ayokong mabitin ang show at ayaw niya rin nang dahil lang sa pregnancy,” katwiran ni Yas.

So ano ang ginagamit nila para hindi siya mabuntis nang wala sa oras?

“Natural method. We use calendars and applications. Ang dami nang apps ngayon na malalaman mo kung kelan ka fertile o hindi!” bulalas niya.

Alam na alam na niya ang mga apps sa sex nga­yon, huh!

“Alam na alam na natin ‘yan. Memorize na natin ‘yan! Ha! Ha! Ha!” sabi pa ni Yasmien.

Sa Feb. 26 mapapanood ang HKKIK at ang isang magpapahirap kay Yas ay ang award-winning actress na si Gina Alajar. Isa ito sa series na ­unang sinimulan ni direk Maryo J. delos Reyes bago pumanaw ayon sa pumalit sa kanya na si Neal del Rosario.

KZ faney mode pa rin kay Jessie J

Dinaig man ni KZ Tandingan ang international singer na si Jessie J sa isang singing contest sa ibang bansa, mananatili siyang fan nito.

Ipinagmalaki ni KZ ang picture nila ni Jessie sa kanyang Instagram at nakasaad ang paghanga niya.

“Love stands 5’ 9” has a beautiful essex accent, sings like a beast, and has a beautiful heart. Love never fails to inspire, never fails to make people happy, and love always takes every opportunity to teach, @jessiej is love. Thank you for all your words and for holding my hand while I ner­vously wait for my rank. Love you...your forever fan,” caption ni KZ.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with