^

Pang Movies

Janella nasunog ang mukha

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Janella nasunog ang mukha

Janella Salvador

Kahit kalalabas lamang sa hospital ni Janella Salvador, napaka-professional niyang nag-attend ng grand presscon ng My Fairy Tail Love Story na nagpabalik sa tambalan nila ni Elmo Magalona.  Masaya siyang nagkuwento ng mga experiences niya sa pagsu-shooting nila kay Direk Perci Intalan at sa underwater director na si Marissa Floirendo bilang isang sirena.

“It’s no joke po,” sabi ni Janella. “Kumuha po ako ng swimming lessons, mermaid lessons and diving lessons, na kailangan kong mag-dive ng 14 feet deep sa isang diving pool. Pero I’m lucky dahil ang daming gustong makaganap sa role ng isang mermaid, at ito ang naibigay na role sa akin.  Paborito ko po kasi ang fairy tale na Little Mermaid at dream ko talagang one day, maging mermaid ako at natupad dito sa movie. 

“Pero dumating din ako sa point na nahirapang mag-shooting ng movie dahil nataon na summer nang gawin namin ito sa Zambales, kaya na-sunburn kami kahit may mga lotion kaming ginamit.  Sunug na sunog ang face ko, hindi ako makapagsalita dahil magka-crack ang lips ko.  Pero part po ng work ang magkaroon ng ganoong experience kaya okey lamang sa akin. In-enjoy ko naman ang ginawa ko.”

Sa movie, babalik sa pagiging tao si Janella as Chantel na naging mermaid, kung may lalaking totoong mahal siya ang hahalik sa kanya. Si Noah (Elmo) ba iyon?

Ang My Fairy Tail Love Story ay nabigyan ng G (General Patronage) classification ng MTRCB at showing na on Valentine’s Day, February 14, in cinemas nationwide.

Misa para kay Direk Maryo, kabi-kabila

Ang Oasis of Love Catholic Renewal Community ang nanguna sa first Holy Mass para kay Director Maryo J. delos Reyes sa Loyola Memorial Chapels in Commonwealth, Quezon City last Tuesday, January 30. Isa sa original members at dating elder si Direk Maryo ng Oasis of Love.  Si Rev. Father Larry Faraon, Spiritual Director ng community ang nag-celebrate sa Holy Mass. Bukod sa mga taga-Oasis of Love, naroon din ang mga executives ng GMA Entertainment TV, Ms. Mel Tiangco, Ms. Gina Alajar, June Torrejon, Luz Valdez, Marita Zobel, Yasmien Kurdi, Rita Daniela, Oscar Peralta, naroon din ang ilang talents ni Direk Maryo, Angelu de Leon at marami pang ibang nagmamahal sa kanya. Dumating din si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kagabi, si Mother Lily Monteverde naman ang nag-sponsor ng Holy Mass at dinner.  Isa rin si Rev. Father Joey Faller sa nag-celebrate ng Holy Mass. Sa Saturday, February 3 ang cremation at interment after the Holy Mass.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with