Tinulungan ni Luis, Kris kumasa sa American blogger!

All’s well that ends well ang issue sa pagitan nina Kris Aquino at American blogger na si James Deakin matapos humingi ng paumanhin ang huli sa Queen of All Media dahil sa pagkakadamay nito sa kanyang issue about the Marcoses.

Si Luis Manzano ang nagsilbing bridge para magkaayos sila base na rin sa Instagram post ni Kris.

Ipinost ng tinagurian na ngayong Digital Queen ang screenshot ng text message ni Luis kung saan ay ini-inform siya nito na hinihingi ni Deakin ang number niya at nagtatanong kung puwede niya itong ibigay. Sumagot naman si Kris na “sure”. Nakatawag ng pansin sa marami ang pagtawag ni Lucky ng “ninang” kay Kris.

Ang sumunod ay ang screenshot na nga ng palitan nila ng mensahe ni Deakin kung saan ay humihingi ito ng paumahin sa kanya sa pagkakadawit nga nito sa sarili niyang issue.

“I see in hindsight how I shouldn’t have gone there and for that I am truly sorry. You’ve been no­thing but gracious with me. And you don’t deserve to be dragged into this mess,” ang isa sa mga text messages ni Deakin kay Kris.

“I do hope you can accept my apology,” text pa ng journalist/blogger.

Sinagot naman ito ni Kris ng “no hard feelings. Apology accepted.”

Sa kanyang caption ay nagpasalamat naman si Kris kay Luis na tinawag din niyang “naudlot na ina­anak”.

“Many thanks to my naudlot na inaanak @luckymanzano for building a bridge. And to James Deakin, i sincerely appreciate the humble gesture to reach out, apologize & clear the air quickly.”

Sa mga hindi naka­kaalam, ang issue nina Deakin at Kris ay nagsimula lang sa pangba-bash ng netizens sa una sa social media at ina­kusahan siyang Marcos supporter nang mag-viral online ang larawan nila ni former Sen. Bongbong Marcos na magkasama.

Idinepensa ni Deakin ang sarili at dito niya na-mention si Kris na na-interview din daw niya and shared the link of the interview.

This prompted Kris to react on her IG page.

“Was peacefully recuperating but a Road Safety Enthusiast and Influencer had to drag me as a ‘shield’ when he got some unwanted reactions because of a picture that had been posted to drum up some noise for an upcoming vlog. Just as they’ve done in the US & other parts of the world, as a wo­man, i’m making my voice heard loud & proud,” ang post ni Kris.

Show comments