^

Pang Movies

Joanna Ampil umaasang masusundan ang Larawan!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Baka manatili muna sa Pilipinas si Joanna Ampil, ang this year’s Best Actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang Ang Larawan. Hoping nga raw na magkaroon muli siya ng offer to do another project dito sa Pilipinas. Mapa-TV o pelikula man, hindi raw problema kay Joanna.

She is scheduled to leave for Hong Kong sana, para sa world tour ng musical play na Cats.

Masaya si Joanna na pagkatapos manalong Best Picture sa MMFF ang Ang Larawan, muli itong ipinalabas sa mga sinehan.

Hanggang ngayon, January 7, na lang ang official showing ng mga entries sa MMFF.

Ang Larawan, by the way, is based sa nobelang sinulat ng National Artist na si Nick Joaquin. Directing Ang Larawan, the movie, is Loy Arcenas.

Kris Bernal malapit nang maging kagaya ni Kris A!

Malapit nang maging full-time restaurateur si Kris Bernal tulad ng isa pang Kris na si Kris Aquino.

Doing well daw ngayon ang kanyang burger joint na Meat Kris. Ayon pa kay Kris, malapit na rin niyang simulan ang eatery na Korean cuisine naman ang specialty.

Napapansin niya raw kasi na maraming Pilipino ang nahihilig ng mga pagkaing Koreano.

Kung sabagay, maging ang Koreanong teleserye ay type ng mga Pilipinong manonood. But not sana at the expense ng ating mga sariling series.

Of Kris A., ‘di na mabilang ang branches mayroon siya ng fastfood chain na Chowking, na kanya ring ineendorso.

May ilan din daw siyang Inasal branch na pag-aari.

And only recently daw, she opened her first branch ng Jollibee sa isang town sa Tarlac.

SPEEd magpapalit na ng pangulo

Wow, Salve A., ano nga kayang mga major na pagbabago ang posibleng maganap sa ekslusibong organisasyon ng mga entertainment editors, SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), dahil malapit nang magkaroon ng eleksiyon.

For the nearly past three years, tanging si Isah Red, entertainment editor ng Manila Standard, ang tumayong pangulo ng organisasyon.

In fairness kay Isah, so far, so good naman.

Ngayon ang tanong, sino ang papalit kay Isah dahil kaila­ngan na rin nga siyang mag-enjoy sa buhay?  

JaDine sosorpresahin ng kasal ang fans?!

Mga piling kanta sa kanyang bagong album na Palm Dreams ang kakantahin ni James Reid sa kanilang second major concert ni Nadine Lustre na Revolution sa Araneta Coliseum sa February 9.

Si Nadine naman ang ‘natokang’ magdirek ng video accompanying each song.

For those of you who doesn’t know, Palm Dreams, likewise, marks James debut both as a songwriter and producer. May sarili na rin siyang music label, ang Careless Music Manila, na siyang nag-produce ng Palm Dreams.

Samantala, ewan kung anong sorpresa ang naghihintay, lalo’t sa kanilang fans and following sa kanilang February 9 concert.

Hindi kaya ang plano nilang magpakasal na?

Sayang at the presscon ng concert, walang nagtanong kung totoo ang balitang nagli-live in na sila.

Instead, at the presscon, they announced that they will be both busier than thou. Lalo na si James, na nagsu-shooting na kasama si Sarah Geronimo ng Korean adaptation ng Miss Granny na 20 Again.

He has another film daw na hindi pa tiyak niya kung sino ng kanyang makakapareha. At bago matapos ang taon, mapapanood siya bilang Pedro Penduko at si Nadine pa rin ang kanyang leading lady.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with