^

Pang Movies

Revolution concert ia-adopt ang mga sikat na kanta sa US!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bagong concept ang Revolution concert nina James Reid at Nadine Lustre sa February 9 sa Araneta Coliseum.

Mapapansin ninyo sa kanilang mga poster, gitna ng salitang Revolution at mababasa rin ninyo ang salitang “love” na idea raw ni Nadine. ‘Yan ay isang “love concert”, meant for Valentines day. Pero hindi iyan kagaya ng mga karaniwang Valen­tines day concert na ang kinakanta ay mga love song. Ang kakantahin nina James at Nadine ay iyong music “that they love”. Iyong musika na gusto nila at likha nila.

Iyong mga kanta ay kumbinasyon ng hip-hop at RnB. Medyo mataas nang kaunti. Iyang ganyang musika ang uso sa mga kabataan ngayon sa US, hindi pa masyadong nakararating ang ganyang uso dito sa atin, at kung magtatagumpay nga sila, masasabi pang sila ang nagdala ng ganyang klase ng musika sa ating bansa.

Iyan ang concert na hindi na mag-iisip ng benta ng tickets. Kasi ngayon pa lang, kasisimula pa lang nilang magbenta ay sinasabing sold out na. Napansin din nila na iyong mga preferred seats ang mabilis na naubos. Ibig sabihin fans nila talaga iyan, at kung hindi ka mabilis, baka wala ka nang makuhang magandang puwesto.

Inamin din naman ni James na kaya hindi sila masyadong aktibo sa kanilang ibang project noong nakaraang taon dahil pinagpilitan niyang tapusin ang isang bagong album, na sinasabi niyang pinagbuhusan talaga niya ng panahon dahil iyon ang nag­lalaman ng kanyang musika.

Inamin niya, higit sa pagiging isang artista, musika talaga ang kanyang interest, at nang dumating siya sa Viva, ang talagang gusto niya ay maging isang singer. Pero siyempre nakita rin naman ng Viva ang kanyang potentials bilang actor, at ang katotohanan na mas madali siyang sisikat bilang singer kung sikat na siyang artista, kaya parang iyon ang nagkaroon ng priority.

May isa pang inamin si James. Gumawa nga siya ng album na hip-hop at nag-click naman iyon, pero iba talaga ang klase ng kanyang musika na gusto niyang iparinig din hindi lamang sa fans niya na siguradong bibili ng kanyang album ano man iyon, kundi sa publiko in general. Naniniwala siya na ang kanyang musika ay maa-appreciate ng nakararami. Kaya nga this time, ang pinagbuhusan niya ng panahon ay ang kanyang bagong album na siya rin ang producer. Ibig sabihin, nagkaroon siya ng total control sa paggawa nito. Nailabas niya ang kanyang kakayahan hindi lamang bilang singer at performer kung di bilang isang music writer din.

Iyang mga kantang iyan ang inaasahang maipaparinig niya sa kanilang Revolution concert na gaganapin sa Araneta.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with