^

Pang Movies

Mas type na kakaperanggot Lovi walang planong magpalaki ng boobs!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Hindi lahat ng naging ex-boyfriend ni Lovi Poe ay kaibigan niya. “Some of them!” bulalas ni Lovi sa grand presscon ng bagong GMA series na The One That Got Away.

“I mean, some of them, I’ve lost communications. It’s not a must but it doesn’t mean I am in good terms with them,” rason ng Prime Actress.

Biro ng press sa kanya, mas madali siyang makapag-move on kumpara sa past boyfriends niya.

“I don’t know! I’m cest la vie! Ha! Ha! Ha!” French na sagot niya.

Fil-French ang bagong BF ni Lovi, si Cris Johnson na nakasama niya sa beach nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Nasa bansa si Chris para asikasuhin ang itinatayong kumpanya. “He’s very private about this,” sey niya.

Habang nasa beach, panay ang display niya ng kanyang alindog. Lingid sa kaalaman ng marami, tambak ang bashers niya pagdating sa boobs. Ga­yunpaman, wala siyang balak palakihin ito.

“Parang hindi nila alam na I like it small! Ha! Ha! Ha! My God, it’s one of the things I am thankful for! I can wear plunging clothes without looking...Ha! Ha! Ha! Kasi flat siya,” rason ni Lovi.

Buti naman hindi pa pumapasok sa isipan niya ang magpakasal?

“Wala pa. Hindi ko naman siya iniisip even if halos lahat ng kaibigan ko they’re all married. Just far from my reality right now. Focus on my work.

“Ako kasi before that enters my mind, as an individual, gusto ko buo na ako. I cannot share myself with someone half-heartedly!” deklara ng Kapuso actress.

Sa bagong series, magkasama silang muli ni Dennis Trillo na huli niyang nakasama sa pelikulang My Neighbor’s Wife.

Paulo tumaas ang self-confidence dahil kay Lea

Pinasalamatan ni Paulo Avelino si Lea Salonga sa nakaraang tweet ng huli na certified fan na siya ng aktor nang mapanood ang performance niya sa Ang Larawan. Hindi man bilib sa pagkanta niya si Lea, sumaludo naman siya sa acting ng aktor.

“Always doubted myself doing a musical part due to the singing parts might affect my perfor­mance. Reading messages like this helps build my confidence to tackle even more challenging roles. Thank you @leasalonga,” reply ni Paulo.

Samantala, sa performance naman ng lead actress na si Joanna Ampil, halimaw ang diskripsyon ni Lea.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with