Max at Pancho ‘di pa nakakaraos ng honeymoon

Hindi pa rin pala nagsasama sina Max Collins at asawang si Pancho Magno. The couple got married last Dec. 11 and since then, magkahiwalay pa sila ng bahay na inuuwian.

Pero kuwento ni Max sa presscon, nakatakda na raw talagang mag-move-in ang mister sa bahay niya and in fact, naglilipat na raw ito ng mga gamit sa bahay niya.

Nagkataon lang daw na may sore eyes ngayon si Pancho at siyempre ay ayaw naman daw siyang hawaan nito kaya magpapagaling muna bago umuwi sa kanya.

Ayon kay Max, siya raw ang nag-suggest na du’n muna sila tumira sa bahay niya habang nag-iipon pa sila for their own dream house.

Eh dahil nga hindi pa sila nagsasama, natanong tuloy si Max kung ano ang ginawa nila noong first night nila.

“Grabe, nag-inuman kami hang­gang umaga, tapos, tapos na, wala na, wala nang ganap,” natatawa niyang sabi.

Kinabukasan ay kasama pa rin daw nila ang family at isang linggo raw na celebration with the family na the usual naman talagang nangyayari after the wedding.

Kaya wala pa raw talagang official honeymoon. Pero pinaplano na nila na magpunta sa Italy pagkatapos daw ng kani-kanilang mga shows. Si Pancho kasi ay may Haplos pa at siya naman, heto nga’t magsisimula pa lang ang TOTGA sa Jan. 15.

If ever, sa Italy na nga sila magha-honeymoon.

Ayon pa kay Max, excited na siya na magkasama na sila sa isang bubong ng asawa para naman ma-experience na niya talaga ang pagi­ging wife.

Dennis wala sa planong pakasalan si Jennylyn?!

Sa presscon ng The One That Got Away ng GMA 7 ay natanong si Dennis Trillo kung may TOTGA rin ba siya at kung sino ito. Sagot ng aktor, wala na dahil bumalik na raw ito.

“Wala, kasi happy ako ngayon, eh. ‘Yung TOTGA ko, parang bumalik, eh. So, hindi na siya TOTGA,” natatawang sabi ni Dennis. Siyempre, ang tinutukoy niya ay walang iba kungdi ang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Biniro nga si Dennis na baka mamaya ay maging TOTGA na naman si Jen dahil nga ayaw pa nilang magpakasal.

“Hindi naman, hindi ko na hahayaan ‘yun pero malalaman n’yo rin naman ‘yun kapag oras na talaga,” he said.

Ang never-ending question kung kailan sila pakakasal ang hindi pa talaga raw nila masasagot ngayon.

“’Yun lang ang talagang hindi pa napagpaplanuhan. Feeling ko, ayoko lang bigyan ng deadline ang sarili ko dahil nga siyempre, alam ko na hindi naman kami parehong bumabata.

“’Pag mga ganun’g bagay, gusto ko lang, mas pinaplano siya nang mas maigi. Ayoko ‘yung nagpapadala lang sa pressure ng ibang tao kaya mo gagawin or mapipilitan kang gawin,” he said.

Samantala, naging maganda ang taong 2017 ni Dennis sa career man o lovelife. And this year, maganda rin ang pasok dahil nga may serye agad siya na ipapalabas.

“Actually, hindi ko in-expect na magkakaroon ako ng show bago matapos ang taon (they started taping bago nagtapos ang 2017) pero nangyari ‘to, so sobrang happy lang ako na maganda ‘yung naging simula ng taon and gusto ko na makagawa pa ng mas marami pang magagandang projects,” he said.

Nang i-present pa nga lang daw sa kanya ang istorya ng TOTGA ay nagustuhan agad niya dahil nga ang huling TV project niya ay Mulawin vs. Ravena na isang fantasy.

“Galing sa fantasy, parang magandang move ‘yung gumawa ng ganito para malayung-malayo do’n. And do’n kasi sa Mulawin vs. Ravena, wala ako talagang leading lady, saka nakakapagod.

“Ito naman (TOTGA), medyo light, so refreshing siya para sa akin. And first time kong magkaroon ng tatlong leading ladies. So, bakit hindi, ‘di ba?” sabi ng aktor.

Show comments