^

Pang Movies

Sexy dance ni Winwyn bumenta sa putukan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sexy dance ni Winwyn bumenta sa putukan

2017 Reina Hispano­americana Te­resita Ssen Marquez

Landian nina Julie Anne at Benjamin nahagip sa ka­mera

Si Pambansang Bae Alden Richards ang siya pa ring nag-open ng 2018 GMA New Year Countdown: Buong Puso Para Sa Kapuso held at the SM Mall of Asia Seaside Boulevard, Pasay City last December 31, 2017.

Nagsimula si Alden sa MRT GMA/Kamuning Station up to Taft Avenue Station, at nag-interview siya ng mga passengers kung ano ang mga ‘di nila malilimutang nangyari sa buhay nila noong 2017.  Pagdating sa MOA, sumayaw agad siya ng Despacito.

May live coverage rin ang GMA Cebu sa Marco Polo Hotel at mayroon din silang countdown doon. Live namang napanood ng fans here and abroad ang countdown sa Facebook at YouTube ng GMA Network. Si Joyce Pring naman ang nag-host ng Online.

Sa kanyang New Year’s greeting nagpasalamat si Atty. Felipe L. Gozon, Chairman at CEO ng GMA Network sa SM dahil ten years na ang kanilang partnership sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga tao here and abroad sa pagsalubong sa bagong taon. Ipinakita rin ang mga video ng pagbati ng mga kababayan nating OFWs sa iba’t ibang lugar sa mundo, at maging ang mga kababayan nating nasa malalayong lugar sa Pilipinas. Hangad daw ni Atty. Gozon ang isang masagana at mapayapang Bagong Taon.

Naging co-host ni Alden ang sweet love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Betong Sumaya, Nar Cabico, Sanya Lopez, Andrea Torres, at Kris Bernal. Twice nag-perform ang ating 2017 Reina Hispano­americana Te­resita Ssen Marquez ng sexy dance numbers na iyong isa ay kasayaw niya pa ang boyfriend na si Mark Herras.

Nag-duet sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose, para mag-promote ng coming concert nila with Asia’s Songbird Regine Velasquez, ang Three Stars One Heart sa January 20 sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu City. Christian serenaded the three sexy actresses ng GMA sina Kris Bernal, Andrea Torres, at Sanya Lopez. Nagbigay din ng dance numbers ang iba pang Kapuso stars.

Bale finale number before 12:00 midnight sina Julie Anne, Christian, at si Alden pa rin, tulad ng ilang taon na niyang ginagawa, ang kumanta at itinuloy na niya ito sa pagbilang ng seconds to midnight, kasabay ang magagandang fireworks, na thank God hindi umulan ngayon di tulad last year, kaya enjoy ang mga tao sa panonood at batian ng “Happy New Year.” Si Alden ang bumanggit kay Master Showman, “Kuya Germs kung nasaan ka man, happy New Year po.” Si Kuya Germs kasi ang nagpasimuno ng GMA countdown na itinuloy na ni Alden na ginagawa na niya for the past seven years. Nahagip ng kamera na magkayakap ang mag-sweetheart na sina Julie Anne at Benjamin.

Itinuloy pa ang show after the fireworks, at isa pang sing and dance number si Alden, bago binati na siya ng advance happy birthday for his 26th birthday on January 2.

Pasasalamat din sa mga pulis na nag-provide ng security at kaayusan sa lugar.

Yasmien ‘di na bago sa HIV

Ngayong 2018 na, isa-isa nang magsisimula ang mga bagong teleserye ng GMA 7 at mauuna sa afternoon prime ang adbokaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na magtatampok kay Yasmien Kurdi.  Ihahatid nila sa mga manonood ang pinag-uusapan ngayong HIV. Hindi bago  kay Yasmien ang tungkol dito dahil nag-aral siya noon ng nursing kaya naging interesado siya sa character niya na nahawahan ng nasabing sakit.

Aminado si Yasmien na may pressure rin sa kanya ang soap dahil papalitan nila ang isa sa top-rating afternoon show. Pero naniniwala raw siya na kaka­yanin nila ito dahil mga mahuhusay lahat ang mga kasama niya, sina Mike Tan, Martin del Rosario, Jackie Rice, sa direksyon nina Maryo J. delos Reyes, at Neil del Rosario.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with