MANILA, Philippines — Payat ang hitsura ni John Lloyd Cruz sa Christmas greetings photo na ini-upload ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account nung Pasko.
Imbes na maging healthy looking, parang haggard ang actor sa piling nang sinasabing magiging ina ng kanyang panganay na anak.
Isa pang napansin nila ay imbes na maging masaya, malulungkot ang hitsura ng mukha nila sa nasabing photo.
Samantala, sumagot si Ellen sa mga comment kung buntis ba talaga siya.
Sabi niyang parang ang hirap naman daw maka-move ng lahat. “lol! Hirap na hirap sila mag move on. lamooooyan.”
DZBB nangunguna sa Mega Manila!
Number one AM radio station ang Super Radyo DZBB sa Mega Manila ayon sa pinakabagong data ng Nielsen Radio Audience Measurement.
Sa kabuuan ng Nobyembre, nagtala ng 33.3 percent na total week average audience share ang DZBB 594.
Bukod sa paghahatid ng DZBB ng mga balitang walang kinikilingan, patuloy rin ito sa pagbibigay ng mga komentaryo tungkol sa mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa kaya naman patok na patok ito sa mas maraming listeners.
Mula Lunes hanggang Biyernes, marami ang nakikinig sa Saksi sa Dobol B ni Mike Enriquez; Sino? nina Mike, Arnold Clavio, at Ali Sotto; Super Balita sa Umaga Nationwide nina Mike at Joel Reyes Zobel; at Dobol B Balitang-Balita ni Melo del Prado.
Pagdating naman ng Sabado at Linggo, nakatutok pa rin ang mga tagapakinig sa public service program ng DZBB na MMDA sa GMA ni Orly Trinidad kasama ang MMDA; Super Balita sa Umaga Saturday and Sunday Edition nina Sam Nielsen at Cecil Villarosa; Super Radyo Nationwide ni Francis Flores; at Buena Manong Balita kasama si Rowena Salvacion.
Buong puso naman ang pasasalamat ni GMA Network Vice President for Radio Operations Glenn Allona sa walang sawang pagsuporta ng mga listeners nito. “Ang pagiging number one ng DZBB ay patunay na mas marami pang Pilipino ang tumatangkilik sa balitang walang kinikilingan at walang pinoprotektahan. As our way of appreciation here at DZBB, mas lalo pa naming pagsisikapang makapaghatid ng Serbisyong Totoo sa ating mga Kapuso.”
Ang DZBB ay isa sa most awarded radio stations sa bansa. Kamakailan lang ay pinarangalan ito bilang Radio Station of the Year sa 7th People Management Association of the Philippines (PMAP) Makatao Awards for Media Excellence.
Mapakikinggan ang DZBB sa AM frequency 594, at online audio-stream sa www.gmanetwork.com/radio/DZBB.
Maaari ring mapanood ang Super Radyo DZBB at Dobol B sa News TV mula Lunes hanggang Biyernes mula 6:00 hanggang 11:00AM sa GMA News TV Channel 11 at GMA News TV International.
Kapamilya fans, nakakuha ng special tickets online
Muling dinagsa ang ABS-CBN Just Love Christmas Special ng Kapamilya fans na todo ang sayang naramdaman dahil sa matitinding performances ng Kapamilya stars matapos silang makakuha ng live show tickets sa Kapamilya Tickets online portal o KTX.
Sa unang pagkakataon, nakakuha ang fans ng tickets sa taunang ABS-CBN Christmas Special sa KTX (Kapamilya Tickets) na isang website kung saan mas madaling makakakuha ng tickets ang publiko para sa ABS-CBN shows at events, pati na tickets sa Kidzania.
Isa sa mga nakapanood ng Christmas Special sa Araneta Coliseum dahil sa KTX si Belinda Bautista na first time nakapanood ng Christmas Special ng live. Ayon kay Belinda na nalaman ang tungkol sa KTX dahil sa TV commercial, naging posible para sa kanya ang mapanood ang inaabangang show na walang abala.
“Mabilis akong nakakuha ng ticket para sa Christmas Special dahil madali akong nabigyan ng pagkakataon ng KTX na mapanood ang show na hindi na pumipila pa,” ani Belinda.
Ang isa pang Kapamilya fan na nagustuhan ang kanyang KTX experience ay si Cecile Espenila na isang tagahanga ng tambalang Joshlia na mula sa Laguna.
Sa halip na lumusong sa trapik papuntang Maynila para makakuha ng tickets, nag-book si Cecile ng tickets para sa kanya at kapwa Joshlia fans gamit ang KTX, kung saan nakatipid siya ng pamasahe at oras.
Dala ang kanilang posters at LED letter lights na kumikinang, naging masaya ang Christmas Special experience nina Belinda, Cecile, at iba pang Kapamilya fans na matindi ang hiyawan para sa kanilang paboritong Kapamilya stars.
Samantala, ayon kay Winter Erguiza, ABS-CBN OIC head of customer relationship management, binibigyan ng KTX ang publiko na matupad ang kanilang pangarap na mapanood ang kanilang paboritong ABS-CBN shows at idols ng live sa madaling paraan.
“Todo magmahal at magbigay ng suporta ang solid Kapamilya fans para sa ABS-CBN at kanilang paboritong mga artista. Panahon na bigyan naman natin sila ng mas mabilis at madaling paraan para makapanood ng ABS-CBN live shows at events,” ani Winter.