Para makaiwas sa bandwagon effect
MANILA, Philippines — Unofficial ang naglabasang figures at ranking ng walong entries sa opening day ng 2017 Metro Manila Film Festival.
Nagkaroon ng kasunduan ang MMFF Executive Committee, producers at cinema owners na huwag mag-release ng actual figures at ranking para maiwasan ang bandwagon effect.
“The MMFF Execom, along with the producers of the festival entries plus the theatre representatives have agreed not to release any actual figures and ranking so as not to create a bandwagon effect on the viewers.
“We encourage everyone to support ALL the 8 entries because we are as strong as our weakest films.
We are happy to say that a large part of the Filipino audience have gone back to the theatres again this Christmas and we have exceeded even the record 1st day box office gross of MMFF 2015.
“We are looking forward to more and more people watching ALL the MMFF entries until January 7.
“MMFF – Magkaisang Mapaunlad ang Filipino Films,” pahayag ni Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF.
May request naman ang ilang netizens na aksyunan ang ilang report na ilang sinehan na agad nagtatanggal ng pelikulang showing sa sinehan hindi pa man natatapos ang dalawang araw na napagkasunduang duration ng isang movie bago ito tanggalin kung sakaling mahina ang pasok ng tao, huh!
Ang Larawan malakas ang word of mouth
Na-delay ang balik sa bansa ni Joanna Ampil, isa sa lead actress ng entry na Ang Larawan. Dapat ay December 25 nang hatinggabi ang original na lapag ng eroplanong sinakyan niya mula sa Dubai.
Pero nagkaroon ng problema sa paglipad ng eroplano mula Dubai ayon sa manager ni Joanna na si Girlie Rodis na isa sa producers ng movie. Mabuti at nagawan ng paraan ang flight ni Joanna kaya ngayong madaling-araw ang dating niya.
Hindi man nakapunta sa Parada ng mga Bituin last December 23, sinigurado niyang dadalo siya sa Gabi ng Parangal na naka-schedule tonight sa Kia Theater. Isa siya sa performers at isa rin siya sa malakas ang laban sa Best Actress award.
Mahina man ang resulta sa takilya sa unang oras ng screening nito nu’ng Pasko, bigla na-triple ang receipts nito nang gumabi na. Malakas din ang word of mouth publicity nito kaya umaasa ang producers na after ng awards night eh, darami pa ang taong manonood ng pelikula na Graded A ng Cinema Evaluation Board.