Extra special naman ang Christmas para sa aktor na si Derek Ramsay dahil nakasama niya ang kanyang anak na si Austin.
Sinama nga ni Derek si Austin nung parada ng Metro Manila Film Festival noong December 23. May pelikula kasi si Derek with Jennylyn Mercado na All Of You sa MMFF 2017.
“It is a really good Christmas for me. I am back here in the MMFF and I have my son here to witness it. He’s here with me for the parade today so I can’t ask for much more than this,” sey pa ni Ramsay.
Gusto raw kasi ni Derek na makita ng kanyang anak ang kanyang trabaho bilang artista.
“He himself is really interested in what I do so he told me he’s really, really proud of me.
“He watched the movie already. He came up to me after the movie and said ‘Wow you acted so well.’ Coming from my boy, that’s something that will just melt your heart,” ngiti pa niya.
Two years daw kasing ‘di niya nakasama ang anak kaya susulitin niya ang bawat araw na kasama niya ito sa Pilipinas..
“I am really happy that he’s here. Timing that I have an entry for the MMFF,” diin pa niya.
?Taylor nagpaka-Santa, tinulungang bumili ng bahay ang fan
Naging Santa Claus naman si Taylor Swift sa isang fan niya ng tulungan niya itong nakabili ng bahay.
Nalaman ni Taylor na homeless ang fan niya na si Stephanie Waw at buntis pa naman ito ng walong buwan.
Naikuwento ito ni Stephanie sa ilang fans at ipinarating nila kay Taylor na hindi nag-aksaya ng oras at binili siya ng bahay.
“I’ve been contemplating posting this story for a while. I’ve finally decided to tell you all what Taylor did for me. What many of you don’t know is that for eight months of my pregnancy I was homeless.”
“Long story short our first flat was condemned for health and safety reasons and we lost everything. To add to the stress, during this time Matthew (her boyfriend) lost his job,” post pa ng fan.
Uma-attend si Waw ng isang concert ni Taylor sa England. Ibinabalik raw ni Taylor ang binayad ni Waw sa ticket. Nagulat na lang daw ito nang bigla siyang bilhan ng bahay.
“Taylor told me she wanted to give me the money back for my ticket that night. What she actually did was help us buy a home and all I needed for my baby.
“She told me ‘I want you to be able to enjoy your little girl, not have to worry about all this stuff.”
?Gardo seryoso sa pagtulong sa Cupcake Bikers?
Naging makabuluhan ang Pasko ng aktor na si Gardo Versoza dahil sa pagtulong nito sa isang batang maysakit.
Sa tulong ng kanyang tinatag na Cupcake Bikers 143, isang organisasyon ng mga bike riders, may tinulungan silang 11-month old baby boy noong nakaraang December 23.
Nag-raise sila ng funds sa pamamagitan ng charity bike ride para kay Troy Terrence Legaspi na may sakit na cervical meningocele.
Heto naging mensahe ni Gardo:
“Sa mga nais pong sumama sa huling charity bike ride ng CUPCAKES para sa taong 2017 para maghatid po ng tulong kay Baby Troy, ‘yung may bukol po sa litrato, bukas po ito, December 23, 2017. Ride out po sa McDonald’s Libis malapit po sa Green Meadows ay 5am. Para sa mga karagdagang detalye, mangyari po lamang na i-check sa Facebook page po na CUPCAKE BIKERS 143. Halfday VISA po lamang ang need dito. Marami pong salamat at maligayang pasko sa lahat. #cupcakebikers143”
Naka-raise ang grupo ng mga bikers ni Gardo para sa operasyon ni Baby Troy.
Sa ngayon, higit na anim na libo na ang miyembro ng naturang organisasyon.
Maliban sa pagtulong sa mga may sakit, tumutulong din ito sa mga mahihirap at nagbibigay ng scholarship sa mga nais mag-aral.