Sarah at James, nagsimula na sa 20 again
Finally, nagsimula nang mag-shooting sina Sarah Geronimo and James Reid para sa pelikulang 20 Again (Miss Granny) na idinidirek ni Binibining Joyce Bernal last Tuesday.
Sa January nakatakdang ipalabas ang pelikula.
Dapat ay November pa ito showing pero nagkaroon daw ng kaunting changes sa script.
Marami nang excited na mapanood ang pelikula lalo na nga at matagal na itong pinag-uusapan. For the first time ay walang leading man si Sarah at kakaiba ang gagampanan niyang role. At higit sa lahat Pinoy adaptation ito ng Korean hit movie na Miss Granny na naunang nagkaroon ng adaptation sa maraming bansa sa Asia at may Spanish and English version na rin.
Ate Guy sa bicol na namamalagi, ayaw na talagang mag-indie
Sa Bicol na raw namamalagi si Nora Aunor.
Ito ang natanggap kong text kahapon matapos ngang lumabas dito sa PM (Pang-Masa) ang emote ng fans ni Ate Guy na hindi na nila ito nararamdaman sa kasalukuyan.
Ang text na natanggap ko mula kay PL, inaayos nito sa Bicol ang lupain niya. At kinupkop na pala ang aktres ng Dating Daan na isa si Kuya Daniel Razon sa namumuno.
Ang Dating Daan din daw ang tumutulong ngayon sa actress sa pagpapagamot ng lalamunan na ang sabi’y kailangang operahan noon pa.
Pero ang hinahanap ng fans kay Ate Guy ay pelikula o kahit man lang TV show na puwede siyang makita nang regular.
Kaya lang tinatamad na raw kasi itong gumawa ng indie dahil hindi naman kumikita eh may mga kautangan pa raw itong kailangang bayaran.
- Latest