^

Pang Movies

Alden at buong pamilya naglalamyerda sa Japan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alden at buong pamilya naglalamyerda sa Japan

Alden Richards Family

Karay-karay ni Alden Richards ang buong pamilya papuntang Japan kahapon. Sa Japan magpapalipas ng Pasko ang Faulkerson family.

Nag-post ng family pic ang father ni Alden sa kanyang Instagram habang naghihintay ng flight nila. Kasama rin ang lolo ng Pambansang Bae na naka-wheel chair.

“Sayonara!” ang naging caption sa litrato ng father ni Alden.

Sa interview kay Alden, first time ng buong pamilya na bumiyahe sa Japan as Christmas gift niya sa mga ito.

Pero sa Bagong Taon, kailangang bumalik ng Pinas si Alden. Live na kasi ang episode ng Eat Bulaga sa January 1 kaya obligadong mag-report sa trabaho ang lahat ng EB Dabarkads maging si Maine Mendoza, huh!

Mai-experience rin ni Alden mag-Bagong Taon sa bagong bahay na ipinatayo sa Laguna.

Glaiza nakakuha na naman ng bagong parangal

Tumanggap si Glaiza de Castro ng parangal na People’s Choice Award mula sa Gawad Pilipino bilang Outstanding Women’s Rights and Protection Advocate.

“Hindi ko akalaing bukod sa pag-arte at pagkanta, makakatanggap ako ng bagong parangal. Maraming salamat muli Gawad Pilipino sa patuloy na pagkilala na walang hinihinging kapalit. At sa UN Women Safe Cities Manila sa pagbibigay ng impormasyon at pagtulong para magkaroon ng ligtas na lugar ng mga kababaihan,” caption ni Glaiza sa photo ng trophy na nasa IG niya.

Pagdating sa acting career, malaking hamon at pressure kay Glaiza ang pagbibidahang GMA series na Contessa dahil balitang ito ang ipapalit sa phenomenal drama na Ika-6 na Utos. Makakapareha niya sa unang pagkakataon si Jak Roberto.

Sharon natakot sa pagsalang ng Star Wars

Nakadama ng takot si Sharon Cuneta nang abutan sa sinehan ng showing ng la­test installment ng Star Wars ang movie nila ni Robin Padilla na showing pa rin hanggang ngayon.

Although umabot na sa 218M ang reunion movie nila ni Robin na Unexpectedly Yours, pinapasok pa rin ito ng manonood kahit kasabay na nila ang Hollywood mo­vie. Proud na raw siyang sabihin na, “Congrats to our movies!”

Ang isa pang Pinoy movie na umabot na sa 4th week ng showing ay ang Trip Ubusan; The Lolas vs. Zombies nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Malamang na hanggang Dec. 24 pa ito magtatagal dahil sa Araw ng Pasko ay hahalili na sa mga sinehan ang entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with