^

Pang Movies

Jake Zyrus pinayuhang tumakas si Maine!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jake Zyrus pinayuhang tumakas si Maine!

Jake Zyrus

Nakaka-relate sa pinagdaraanan

Tila naka-relate si Jake Zyrus sa pinagdadaanan ngayon ni Maine Mendoza matapos itong maglabas ng open letter sa AlDub Nation kamakailan. Nag-tweet kasi siya ng pagsuporta sa phenomenal actress at aniya, pinagdaanan na rin daw niya ang sitwasyon nito.

Tweet ni Jake, “Maine, I don’t know you personally but I’ve been there. Paulit ulit. Masakit pero eto ang realidad. Take a deep breath. Takas ka muna sa mundong magulo at mag-relax ka with people who you love and trust. Take a break. Maraming nagmamahal sayo. Focus on that.”

Ipinost ito ni Jake sa comments section sa tweet ni Maine sa kanyang fans na “You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand..”

Sobrang pasasalamat naman ng AlDub Nation sa pagsuporta ni Jake sa kanilang idolo.

“Thanks Jake! She needs a word of encouragement from people like you,” komento ng isang fan.

“Sana makarating kay @mainedcm ang words of encouragement mo. Thank you @jakezyrus,” tweet naman ng isa pa.

May nagkomento rin na kaya raw mahal sina Jake at Maine ng mga tao ay dahil pareho silang nagpapakatotoo.

Samantala, kahapon ay ipinost ng mga fans ang mga videos and pictures ni Alden Richards habang nasa Eat Bulaga. Hindi namin napanood pero tila wala naman si Maine.

Sa ngayon, buong AlDub nation ay umaasa pa rin na maaayos din ang lahat.

Joshua tinuruan ni Robin ng tamang paghalik

Ayon kay Julia Barretto, talagang hindi nila pinalampas ni Joshua Garcia ang oportunidad na makasama sina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa Unexpectedly Yours at talagang tinanggap nila agad ang movie.

“We are both very honored to have been giving the opportunity to work with the two of them. Hindi talaga namin pinalampas ‘yung opportunity also because, maybe, mas nakaka-excite ‘yung fact na marami kaming matututunan from the two of them. So, I’m very, very happy and I’m very, very thankful for this experience,” sabi ni Julia.

Sobrang flattered din ng young actress sa mga papuring binitiwan sa kanya ng Megastar at nahihiya at the same time.

“Sometimes, pag nagko-comment siyang ganyan sa set, nahihiya talaga ako, eh. I don’t know what to say. So, thank you,” sambit ni Julia.

Ayon naman kay Joshua, napakagandang experience raw na makatrabaho sina Sharon at Robin.

“Na kahit nakikita mong pagod na pagod na sila, makikita n’yo pong bumabati sila sa lahat, walang makakalampas na isa. Para sa akin ho, eh, inspirasyon ho sila para sa akin.

“Na pagka napapagod ako, parang ako na mismo ‘yung mahihiya na ‘ay sila bumabati, tapos ako hindi, kailangang bumati ako’. Alam mo ‘yung mai-inspire ka na pumasok, gaganahan ka na mag-eksena,” he said.

Kwento pa ni Joshua, pati raw ang tamang paghalik ay itinuturo sa kanya ni Binoe.

“Dami talagang natutunan, kung paano ‘yung tamang lambingan, kung paano ‘yung tamang halik,” natatawang sabi ni Joshua.

Natatawa rin si Binoe at aniya, “itong mga batang ‘to, o! Kayo ha?”

Anyway, showing na ang Unepectedly Yours simula kahapon, Nov. 29 sa mga sinehan. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina hatid ng Star Cinema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with