^

Pang Movies

Showtime bumaha ng luha, Vice ‘di pa nakaka-recover sa pagkawala ni Franco!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Showtime bumaha ng luha, Vice ‘di pa nakaka-recover sa pagkawala ni Franco!

Vice Ganda

Ang sakit sa dibdib namang panoorin ang tribute ng It’s Showtime para sa pumanaw na Hashtags member na si Franco Miguel Hernandez Lumanlan.

Sa opening ng It’s Showtime kahapon ay inalala ng mga host si Franco at sobrang makadurog-puso ‘yung isa-isa mo silang nakikitang nagbe-breakdown.

Binuksan ni Jed Madela ang show by singing Gone Too Soon and See You Again. Dito pa lang ay makikita mo na silang nag-iiyakan lahat.

Tweet nga ni Jed bago magsimula ang show, “it’s going to be a difficult opening number.”

After the song ay pinangunahan ni Vice Ganda ang pag-aalala sa kasamahan at panay ang iyak niya habang nagsasalita.

“Ang araw na ito ay pag-alala sa isang kapamilya natin sa Showtime na kailan lang ay pumanaw, si Hashtag Franco na nakilala natin sa kanyang ngiti at galing sa pagsayaw at madalas nating binibiro dahil sa kanyang pagsasalita. Umuwi na po siya sa kanyang tunay na tahanan. Wala na po ‘yung anak kong konyo, ‘yung anak kong mayaman. Nalagasan ako ng isang anak,” pahayag ni Vice Ganda.

Maraming kwento si Vice Ganda tungkol sa magagandang pinagsamahan nila ni Franco kaya naman hindi kami nagtataka kung bakit ganito siya kaapektado ngayon.

“Sobrang bait ni Franco. Mahirap siyang kalimutan kasi iba ‘yung ngiti ni Franco. At ibang-iba siyang magsalita sa lahat ng Hashtags. Iba ‘yung tunog ng boses ni Franco, eh, kaya lagi ko siyang ginagaya,” sabi pa ni Vice.

Wala na raw ang anak niyang coño, ito raw ang tawag niya kay Franco. Hindi na raw niya maririnig ang mga boses nito, wala nang kakatok sa dressing room niya, wala nang mangungulit sa kanya.

“The moment I learned na may nangyari sa kanya noong nasa New Zealand kami, hindi na ako nakatulog, alam nilang lahat ‘yan, nina Vhong (Navarro), nina Karylle, hindi na ako nakatulog, hindi ko kayang magsaya.

“May kasalanan pa ako kay Anne (Curtis) kasi hindi na ako nakapunta ng reception dahil hindi ko kayang magpa-picture. . .it was so hard for me,” pahayag pa ng TV host/comedian.

Ang mga kapwa Hashtags members ay nagbigay din ng kanilang paggunita para kay Franco. Lahat sila ay may kanya-kanyang magagandang alaala sa kasamahan at lahat sila ay nagpapatunay kung gaano ito kabu­ting kaibigan sa kanila.

Ang bigat sa dibdib panoorin ang mga pagtangis nila. “Ma-miss ko ‘yung pagbati niya sa umaga, ‘yung yayakapin ka, ‘yung kahit para na kayong mag-dyowa, pero wala siyang paki. Mami-miss ko ‘yung pag-alam na mali ka ay sasawayin ka niya at tuturuan ka niya,” sabi ni Kid.

Si Bugoy Cariño na bagong miyembro rin ng Hashtags ay nagpahayag na ang lahat ng sayaw niya from now on ay iniaalay niya kay Franco.

Ayon naman kay Vhong nakapahirap ng pinagdaanan nila na may ikinakasal na kapamilya nila na dapat ay nagsasaya sila but at the same time ay may pumanaw namang isa pang kapamilya.

Hangga’t maari raw ay gusto nilang ilihim kay Anne dahil kinabukasan na ang big day nito kaya sinubukang tanggalin ni Vice Ganda sa group chat si Anne pero huli na raw at nabasa na rin nito.

“Ang hirap kasi nagta-try kaming maging masaya, nagpo-pose kami ng pictures na masasaya, pero sa loob namin, ang hirap. Paano ka babalanse, paano ka gigitna sa pagiging masaya, sa pagiging malungkot, sa pagiging masaya?” umiiyak ding wika ni Vhong.

Sinabi rin ni Vhong na naaalala niya si Rico Yan, si AJ Perez, si Isabel Granada na pawang mabubuting tao na maagang kinuha ni Lord.

“Franco, salamat sa magandang alaala na iniwan mo sa amin. Sana, maging inspirasyon ka ng mga tao ngayong nakakapanood sa atin o sa mga nakakakilala sa ‘yo,” sabi ni Vhong.

Habang umeere ang pag-alala kay Franco ay nag-trending na agad ito sa Twitter with the hashtag #ShowtimeForeverInOurHearts at napakaraming nag-comment kung paano nabagbag ang damdamin nila.

“One of the most heartbreaking and eye-tearing episodes of showtime,” tweet ng isang netizen.

Kasalukuyag nasa Arlington Memorial Chapel ang mga labi ni Franco at sa Biyernes ay nakatakda siyang i-cremate.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with