Pakikiramay at dasal bumubuhos showbiz nagluluksa sa pagkawala ni Isabel!

Ang pagpanaw ni Isabel Granada ang malungkot na balita na bumulaga sa atin kahapon nang umaga.

Kahit sinabi ng mga doktor sa Hamad General Hospital na kritikal ang kundisyon ng singer-actress na inatake ng aneurysm, hindi tayo nawalan ng pag-asa na magkaroon ng milagro para gumaling siya.

Pero bumigay ang katawang-lupa ni Isabel noong Sabado ng gabi sa Doha, Qatar. Mabuti na lang, nakapiling si Isabel ng kanyang asawa, anak at ina habang comatose siya sa Surgical ICU ng Hamad General Hospital.

Bumuhos ang pakikiramay at mga dasal para kay Isabel at sa mga naulila niya.

Marami ang naghihintay na maiuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi dahil gusto nila na makita ang aktres sa huling sandali.

Forty-one years old si Isabel nang ba­wian ng buhay at itinuturing siya na anak ng showbiz dahil nasubaybayan ng lahat ang kanyang paglaki, pagdadalaga at pagkakaroon ng sariling pamilya.

Mommy Guapa mabigat ang dinadala!

I’m sure, inconsolable si Mommy Guapa, ang loving mother ni Isabel.

Alam nating lahat na mahal na mahal ni Mommy Guapa ang unica hija niya kaya napakasakit para sa kanya ang pagkawala ni Isabel.

Nang malaman ni Mommy Guapa ang nangyari kay Isabel sa Doha, paulit-ulit ang pagsasabi niya na handa siya na ibuwis ang kanyang buhay para mabuhay lang si Isabel.

Ipagdasal din natin si Mommy Guapa. Sana malampasan niya ang pagsu­bok na pinagdaraanan at matanggap ang nangyari sa kanyang anak.

Sa Huwebes ang inaasahan na pagbabalik sa Pilipinas ng lifeless body ni Isabel dahil may mga dokumento na dapat ayusin sa Qatar.

Hindi naman pinababayaan si Isabel at ang kanyang pamilya ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Qatar.

Mula nang dumating sa Qatar ang pamilya ni Isabel, hindi nawawalan ng communication sa kanila ang mga tauhan ng Philippine Embassy.

Matatangkad na latina nganga, Winwyn nangabog sa Q&A!

Kung may sad news sa showbiz dahil sa pagpanaw ni Isabel, may good news din at ito ay ang tagumpay ni Winwyn Marquez sa Santa Cruz dela Sierra, Bolivia.

Bagay na bagay kay Winwyn ang nickname niya dahil winner na winner ang kanyang beauty sa Reina Hispanoamericana 2017.

Si Winwyn ang first Asian winner ng Reina Hispanoamericana.

Magaganda at matatangkad ang Latina beauties na kalaban ni Winwyn pero tinalo sila ng bet ng Pilipinas.

Nagpakitang-gilas si Winwyn sa pag­rampa sa long gown at swimsuit competition pero pinakamatindi ang sagot niya sa question-and-answer segment kaya walang kaduda-duda na siya ang deser­ving na manalo.

Kabogera si Winwyn sa tanong na “How would you promote the Hispanic American culture with great difficulty or barrier of language?” na sinagot niya ng  “Language can be learned, but the will and determination to contribute something to the organization cannot.

“It has to come from the heart and it has to be natural.

“I believe that kindness is a universal language. If you treat people with tolerance, patience, and love, you will understand each other.

“Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture, and love for family.

“As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that I am ready to promote the Hispanic culture, not just in Asia, but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated.”

Show comments