MANILA, Philippines — Masaya na si Megastar Sharon Cuneta dahil finally ay sinu-shooting na sa isang isla somewhere in Angono, Rizal ang balik-tambalan nila ni Robin Padilla.
Finally ay tapos ang ilusyon niya sa paggawa ng malaking movie. Tinanggihan man siya ni Gabby, malaking artista pa rin ang ipinalit dito. At marami rin ang nagsa-suggest na pwedeng ipareha kay Sharon si Ian Veneracion.
Anyway, isasama ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto na baka makatulong sa pag-angat ng gagawing movie ni Sharon. May mungkahi ring bigyan ito ng magandang titulo para huwag matulad sa nakaraang pelikula niya na muntik bumaha ng luha sa takilya!
Bianca sinorpresa si Patrick
Sa napakapribadong hotel sa Viola compound sa San Rafael, Bulacan ng El Masfino Hotel and Resort ginanap ang isang special birthday treat ng international ramp model na si Patrick Patawaran, anak ng Baliuag Vice Mayor Tony Patawaran (aka Abel Acosta) na tendered ni Bianca Lapus.
Para sa binata, barkada lang nila ang mga dumalo sa eksklusibong party. Nagulat nga si Patrick dahil hindi nito akalaing may sorpresa pala si Bianca sa kanya.
Nakaganap na rin sa ilang mga pelikula at teleserye si Patrick pero sa pagmomodelo talaga siya nalinya.
Napakalayo ng El Masfino dahil nasa gitna ito ng kabukiran ng San Rafael at tagpuan pa ito ng mga kilalang personalidad.
Coco mabisa ang agimat, ‘di tinatablan ng bala sa serye
Mabuti na lang, parang hindi nalalasing sa kaiinom ng alak sina John Arcilla at Sid Lucero sa mga eksena nila sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Tuwing mag-uusap kasi ang dalawa palaging may kopitang hawak na may lamang alak ang dalawa.
Anyway, solong-solo ni Coco Martin ang atensyon sa naturang serye habang kinokompronta ng grupo ni Alakdan. Mistulang may agimat ang aktor dahil kahit sangkaterba ang bumabaril sa kanya ay parang hindi man lang siya nagagalusan.
Samantala malapit na ring tuldukan ang yugto nina former Sen. Lito Lapid at Mark Lapid para ipasok ulit ang grupo ng mga durugista headed by Eddie Garcia.
Amanda magpapalugaw sa birthday
Sa November 7 na ang birthday ng aktres na si Amanda Amores. Magpapalugaw daw siya para sa mga bata every year. Ganitong tradition ang gawain ng aktres. Bukod dito, namimigay din ng regalo para sa mga kababaihang senior citizens sa Brgy. Santo Domingo, Quezon City.
Belated happy birthday greetings to Cris Belen of Manila Bulletin and Raffy Mendoza of Legacy Pawnshop Baliuag Bulacan last October 25.