Miguel nakasungkit ng SUV at mahigit na P300-K sa videoke
Congratulations sa Kapuso teen heartthrob na si Miguel Tanfelix. Siya ang first grand champion sa musical game show ng GMA 7 na All Star Videoke. Nang magsimula si Miguel na maging player ng game show, kasama niya ang favorite love team niyang si Bianca Umali, pero isa si Bianca sa nalaglag sa contest. Si Miguel ang naging winner at nagpatuloy siya sa paglaban for the next four weeks at naging champion.
Last Sunday, October 29, sa All Star Videoke, humanga kahit ang mga host na sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya na diretsong nakanta ni Miguel ang song na Price Tag ni Jessica J. Ten phrases ng song ang may takip at kung ma-perfect niya ang Super-Oke prize ng programa, maiuuwi pa rin niya ang cash prize.
Non-singer si Miguel at nawawala siya sa tono, pero hindi mahalaga iyon sa game show, kailangan lamang kabisado mo ang lyrics ng song para manalo ka. At nang manalo si Miguel, tinanong nina Solenn at Betong kung bakit niya kabisado ang song, lagi raw kasi nilang kinakanta iyon ni Bianca at friends nila.
Nag-uwi si Miguel ng red brand new SUV at ang nakaipon sa BankOke ng P329K.
Dahil dito, pinatunayan daw ni Miguel na hindi man siya certified singer or recording artist, lodi at petmalu siya pagdating sa kantahan.
Nagwaging Miss Millennial kapiling na ang pamilya
Live nang na-interview sa Broadway studio ang winner na nabunot sa Barangay San Juan, Iriga City last Saturday nang gawin doon ang homecoming sa nanalong Miss Millennial Philippines 2017 na si Julia Gonowon. Pero nagkaroon ng signal disruptions ang live broadcast kaya hindi nagawa ang Sugod Bahay ng Juan For All All For Juan segment.
Kaya pinapunta na lamang ng EB ang nabunot na winner sa Broad way at doon na ibinigay na lahat ang mga premyo na dapat nilang ibigay sa CamSur. Mahigit na P100-K ang tinanggap ng winner plus seven pang ibang winners ang binunot na pinagkalooban ng P10-K each.
Ipinakita na rin ng show ang pagbalik ni Julia sa kanyang mga magulang at mga kapatid na ilang buwan din niyang hindi nakasama.
Carmina eeksena muna sa show ni Bitoy
Matapos mag-guest muna sa ilang shows ng GMA Network, tulad ng Road Trip, Sarap Diva, at ang special performance niya as Ceres, the Great Tagachu sa fantasy-drama series na Super Ma’am, ngayon ay isa na muling Kapuso si Carmina Villaroel. (sundan sa pahina 5)
“Nag-enjoy ako sa role ko ni Ceres na may mga action scenes pa ako, tulad ni Super Ma’am, si Marian Rivera,” sabi ni Carmina.
“Kaya nang mag-offer na ulit sa akin ng isang bagong serye ang GMA, tinanggap ko na. Wala naman akong contract sa ibang network, kaya pwede akong tumanggap, pero project sa GMA.
“Nakaka-miss din kasi ang pag-arte at matagal-tagal na akong walang ginagawa kaya hinahanap-hanap ko ang magtrabaho. Kaya tamang-tamang may offer sa akin para sa isang project, kaya hindi na ako nagdalawang-isip.”
Ayaw pang sabihin ni Carmina kung ano ang primetime series na inalok sa kanya sa GMA 7. Pero balita namin, swak na swak kay Carmina ang role na kanyang gagampanan sa new drama series. Balita ring maggi-guest muna siya sa isa sa una niyang project sa GMA 7, ang Pepito Manaloto habang inihahanda pa ang bago niyang serye na gagampanan niya. Tanong pa rin ng mga fans ni Carmina, sinu-sino kaya ang makakasama niya? May request din kung puwedeng isama niya ang kambal nila ni Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy sa bago niyang show.
Sa ngayon kasi, si Zoren ay napapanood sa top-rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos na mula Monday to Saturday, pagkatapos ng Eat Bulaga.
- Latest